Paliwanag sa mga Sakop na Serbisyo:
1. Subsidiya para sa transportasyon : Mga batang tumatanggap ng pagsasanay sa maagang paggamot at edukasyon na benepisyo ng Health Insurance sa special medical units sa ilalim ng Kawanihan ng Kalusugan o sa mga public health medical units, may NT$200 allowance araw-araw para sa transportasyon sa pagpapatuloy na paggamot at edukasyon sa parehong medical unit.
2. Subsidiya para sa paggamot at edukasyon : Mga batang tumatanggap ng pagsasanay sa maagang paggamot at edukasyon sa sariling gastos sa mga welfare agencies na nakarehistro sa Lungsod ng Taipei at Lungsod ng New Taipei, ang subsidiya ay nabibilang ayon sa tutoong nagagastos na halaga ng pera.
3. Ang subsidiya para sa transportasyon at ang subsidiya para sa paggamot at edukasyon ay pinagsasamang binibilang. Ang pangkaraniwang pamilya ay maaring tumanggap ng pinakamataas na NT$3,000 subsidiya bawat tao bawat buwan, at ang low-income household ay maaring tumanggap ng pinakamataas na NT$5,000 bawat tao sa isang buwan.
Ang mga Taong Maaring Bigyan ng Serbisyo:
1. Mga taong may paninirahang nakarehistro sa Lungsod ng Taipei at nabigyan na ng nauukol na ulat sa Lungsod ng Taipei Sentro para sa Maagang Paggamot, Edukasyon at Referral sa mga Batang may Developmental Delay.
2. Mga batang may delayed development at kapansanan at hindi pa umaabot sa gulang na maaring mag-aral o mga nakaabot na sa gulang na maaring mag-aral sa paaralan at sa pagsasang-ayon ng Counseling Committee na pansamantalang pahintuin sa pag-aaral.
Ang mga nasabing batang may delayed development sa unahan ay itinutukoy na may hawak na General Report mula sa Executive Yuan Kagawaran ng Kalusugan Joint Counseling and Assessment Center o mula sa ospital na itinakda ng pamahalaan ng bawat county o lungsod (ang petsa ng expiration ay naaayon sa expiration date na nakasulat sa report) o may hawak na sertipiko ng developmental delay (maaring gamitin sa loob ng isang taon mula sa pagkasulat ng sertipiko). Ang itinatawag na batang may kapansanan ay itinutukoy ang mga may hawak na handbook ng handicapped na issued o pinalitan o nakaindika ng Lunsod ng Taipei.
Mga hindi kumukuha ng allowance na pera para sa mga handicapped o subsidy allowance para sa mga gastusin sa childcare at pangangalaga ng handicapped mula sa Lungsod ng Taipei, at hindi rin kumukuha ng anumang allowance mula sa Ministro ng Interior para sa paggagamot ayon sa “Planong Pagtutulong sa Medical Allowance ng mga Bata at Kabataang Mentally Retarded Mula sa Low-Income Families”.
Kwalipikasyon:
Kailangang may household registration sa Lungsod ng Taipei
Tumawag sa nangangasiwang ahensya: Deparmento ng Kapakanang Panlipunan, Division of Welfare Services for Children and Youth (Serbisyo sa Kapakanan ng Kabataan), 1999 (02-27208889 kapag tumawag mula sa ibang lugar maliban sa Taipei) ext. 6972、6974