Bawat taon sa takipsilim ng Agosto 5-7, napupuno ng maraming tao ang mga kalsada sa lungsod ng Yamagata sa Japan. Bukod sa kantahan at sayawan, may hawak ang bawat tao, iba’t ibang itsura ng salakot ngunit pare-parehong may palamuting bulaklak na safflower. Ito ang Yamagata Hanagasa Festival, isa sa apat na pinakamahalagang pista sa hilagang-silangan ng Japan, nang-aakit ng mahigit sa 10,000 taong dumadalo taon-taon. Sa mainit na gabi sa panahon ng tag-init, ang mga taong naglalakad ay sumasayaw ng “Flower Hat Dance” sa indak ng tugtugin ng “Hanagasa Ondo”.
Ang parada sa Hanagasa Festival ay dating isang bahagi ng “Zao Summer Festival” at sa taon 1965 lamang ito umunlad bilang Hanagasa Festival. Ang Flower Hat Dance ay maaaring sayaw ng mga babae, sayaw ng mga lalaki, sayaw ng pag-iikot ng salakot at iba pa. Maaari rin sumama sa parada at gumawa ng sariling hakbang sa sayaw. Basta’t hindi maaaring walang hawak na salakot ang bawat tao. May palamuting bulaklak na safflower, kumakatawan sa Yamagata. Kapag ikaw ay turistang walang handa, naroroon ang madaming salakot na gawa sa papel upang makalahok ka sa mga taong naglalakad at sumasayaw sa kalsada!