Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/62034/8970639/edb7035f-1d13-45b4-bdb2-ec3f5c73c44f.png

    

     Ang unang araw sa buwan ng Mayo ay tinaguriang “Lei Day”, isang tradisyonal na pista sa Hawaii. Sa araw na ito, ginaganap ang madami at masasayang aktibidad ng tradisyonal na kultura sa iba’t ibang lugar sa Hawaii. Pinagkakabit ang bulaklak na orchid, kalachuchi (champaka), tuberose, rosas o carnation o iba pang limang uri ng bulaklak at nabubuo ang makulay na lei. Inihahandog ng mga tao sa Hawaii ang lei sa mga kamag-anak at kaibigan bilang pagpapahayag ng kapayapaan, pagkakaibigan, karangalan at pagsaad ng maligayang pagdating.

     Sa Hawaii, madalas makita ang magaganda at mababangong lei ng bulaklak sa madaming espesyal na okasyon tulad ng sa kaarawan, graduation at iba pang aktibidad ng pagdiriwang, nagsasaad ng mayaman na pagpapala at pagmamahal. May sariling bulaklak na kumakatawan sa bawat isla sa Hawaii at kasama ito at iba pang materyales tulad ng dahon at sanga ng puno, bunga, kabibe, balat, balahibo at iba pa sa paggawa ng lei. Sariling ginagawa ang lei o ipinapagawa sa tindahan ng bulaklak at inireregalo sa ibang tao. Isa itong tradisyonal na kasanayan dito tulad rin ng pagbili natin ng bouquet na bulaklak. Kapag espesyal mong pinagawa ang lei ng bulaklak at inihandog sa taong tiga-Hawaii, tiyak na matutuwa sila sa iyo!