Sa Hulyo 6 ang Pista ng Kupala. Ipinagdiriwang ng mga tao sa Ukraine ang araw na ito sa paraang pagtalon sa apoy, pagliligo at lubos ng kasiglaan.
Ang Pista ng Kupala ay nagmula sa relihiyon ng mga taong Slavic. Bukod sa Ukraine, ipinagdiriwang din ito sa Belarus, Russia at Poland. Sa araw na ito, magsusuot ang lahat ng tradisyonal na kasuotan, may mga magagandang bulaklak sa ulo, kakanta at sasayaw nang nakapaligid sa lumiliyab na apoy. Bukod rito, tinatalon ng mga tao ang apoy at naliligo sa lawa. Ayon sa kasabihan, ito ay naglilinis ng mga kasalanan at nagdadala ng kalusugan. Ang mga kababaihang wala pang asawa ay magpipitas ng mga halaman at bulaklak, magbubuo ng lei upang maprotektahan sila sa mga masasamang espiritu. May 12 magkakaibang uri ng halaman sa lei at kabilang dito ang kumintang, mugwood, chamomile at iba pa. Binubuo ng mga babae ang lei ng bulaklak, magsisindi ng kandila sa lei at ipapalutang sa tubig sa ilog. Habang tumatagal ang paglutang ng bulaklak sa ilog, lalong magiging masaya ang kinabukasan ng babae. Lalong tagal ng buhay ng apoy ng kandila, lalong hahaba rin ang buhay ng babae. Ang mga lalaki naman ay mag-aabang sa ibaba ng ilog, nagnanais makuha ang bulaklak ng minamahal nilang babae. Ayon sa kasabihan, sa gabi lamang ng Pista ng Kupala namumulaklak ang halaman na fern. Magdadala ito ng suwerte sa sinumang makahanap nito. Kaya isa pang aktibidad na hindi nakakaligtaan sa pistang ito ang pagpunta sa madilim na gubat upang maghanap ng bulaklak ng fern.