Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

10/2022 Australia / Labor Day

Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa sa maraming bansa sa mundo ngunit sa Australia, may apat na magkakaibang araw at wala rito sa isa ang Mayo 1?! Hindi magkakapareho ang Araw ng Manggagawa sa bawat estado sa Australia: sa New South Wales, Capital Territory at sa Timog Australia, unang Lunes ng Oktubre. Sa Victoria at Tasmania, pangalawang Lunes sa buwan ng Marso. Sa kanlurang Australia, unang Lunes sa buwan ng Marso. Sa Queensland at sa Northern Territory, unang Lunes sa buwan ng Mayo. Ang magkatulad lamang ay araw ng Lunes silang lahat, at may tatlong magkakasunod na araw upang makapagpahinga ang manggagawa.

Sa Australia, ang Araw ng Manggagawa ay tinatawag din na Walong Oras na Araw upang ipagdiriwang ang matagumpay na pakikibaka ng manggagawa at natamo ang 8 oras ng trabaho sa isang araw, 5 araw sa isang linggo. Noong nakaraan, kailangang magtrabaho nang 6 araw sa isang linggo ang manggagawa, 10-12 oras ng trabaho bawat araw. Makaraan ang 100 taon ng pakikibaka, nagsimula ang sistemang 5 araw na trabaho sa wakas sa taon 1948. Magkakaiba ang Araw ng Manggagawa sa bawat estado dahil magkakaibang panahon nagsimulang ipinatupad ang sistemang 8 oras na trabaho sa bawat estado.