A. Pagkilala at proseso sa pagkuha ng sertipikasyon sa pag-aaral sa senior high school ng bagong residente:
(1) Rehiyong Tsina (pagkilala sa senior high, senior vocational at junior high school):
1. Batay sa “Paraang Pagkilala sa Pag-aaral sa Rehiyong Tsina”na itinakda ng Ministri ng Edukasyon, pagpalit ng katibayan sa katumbas na akademikong pag-aaral.
2. Nakarehistro o nakatira sa Lungsod ng Taipei, dalhin ang mga dokumento sa pag-aaral sa Tsina, Taiwan ID (o transcript ng household registration o ARC), notarial certificate mula sa Tsina at katibayan mula sa Straits Exchange Foundation (orihinal na kopya), dalawang 2”litrato at mag-apply sa Kagawaran ng Edukasyon.
3. Telepono sa pag-apply: 1999 (maliban sa Taipei, tumawag sa 27208889) senior high, senior vocational at junior high: Secondary Education Department, ext. 6365
(2) Rehiyong Timog Silangang Asya (pagkilala sa pag-aaral sa junior high school):
1. Nakarehistro o nakatira sa Lungsod ng Taipei, dalhin ang mga dokumento sa pag-aaral 【diploma o katunayan ng marka】, Taiwan ID (o transcript ng household registration o ARC), dalawang 2”litrato at mag-apply sa Kagawaran ng Edukasyon.
2. Telepono sa pag-apply: 1999 (maliban sa Taipei, tumawag sa
27208889) senior high, senior vocational at junior high: Secondary Education Department, ext. 6365
(3) Iba pang mga bansa (kasama ang Hongkong at Macau): Batay sa “Panuntunan sa Pagsusuri ng Katibayan ng Akademikong Pag-aaral at Karanasan” at “Pagsusuri at Pagkilala sa Akademikong Pag-aaral sa Hongkong at Macau”, isalin sa wikang Chinese ang katibayan ng pag-aaral sa ibang bansa at ipasuri sa lokal na consular office ng Taiwan.
B. Pagsusuri ng Akademikong Pag-aaral sa Ibang Bansa: Bureau of Consular Affairs, Ministry of Foreign Affairs https://www.boca.gov.tw/lp-43-1-xCat-3.html
Para sa pagtatanong ukol sa pagpapatunay ng dokumento: (02)2343-2913、2343-2914