1. Ang mag-aaral na gradweyt sa junior high school o may katumbas na edukasyon, may kwalipikasyong pumasok sa senior high school, ang senior high school ay dapat magsagawa ng madaming uri ng paraang pagpasok sa paaralan. Sa madaming uri ng paraang pagpasok sa paaralan, pangkaraniwang hindi kailangan ng pagsusuri (entrance exam).
2. Ang mga gradweyt o may katumbas na kwalipikasyon sa pag-aaral mula sa pampubliko at pribadong junior high school (kabilang ang senior high school na may kasamang junior high department) sa Lungsod ng Taipei, New Taipei at Keelung, at mga gradweyt o may katumbas na kwalipikasyon sa pag-aaral mula sa Taiwan paaralan sa ibang bansa o Taiwan paaralan sa Tsina, nakarehistro ang tirahan sa nabanggit na tatlong lungsod, ay mag-aapply ng pagpasok sa paaralan nang walang pagsusuri sa nabanggit na tatlong lungsod. Ang mga gradweyt na mag-aaral mula sa junior high school (kabilang ang experimental school) o may katumbas na kwalipikasyon sa pag-aaral sa ibang lugar maliban sa nabanggit na tatlong lungsod, mula sa Tsina o sa ibang bansa (nakarehistro man o hindi sa Lungsod ng Taipei, New Taipei o Keelung), mga gradweyt mula sa Taiwan paaralan sa ibang bansa o Taiwan paaralan sa Tsina ngunit hindi nakarehistro ang tirahan sa nabanggit na tatlong lungsod, dapat tapusin ang “Pag-apply ng Paglipat ng Lugar ng Pag-aaral” at “Pag-apply ng Pagsusuri sa Puntos sa Performance sa Iba’t Ibang Pag-aaral” sa takdang panahon sa tuntunin upang mapadali ang susunod na pagrehistro.
3. Sa aplikanteng nagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa, dapat ilakip ang katunayan ng pag-aaral sa ibang bansa, sertipikasyon ng marka sa pag-aaral sa mga nakaraang taon at isinuri ng embahada o consular office ng Taiwan sa ibang bansa, talaan ng pagpasok at pag-alis sa bansa mula sa entry and exit awtoridad. (Kapag nagparehistro at hindi pa kumpleto ang mga kaugnay na hakbang, pansamantalang papayagang magparehistro ngunit kailangan magsulat ng affidavit na nagsasabing “Kapag hindi naisubmite ang kinakailangang dokumento sa panahon ng pagbayad sa rehistrasyon, kusang isusuko ang kwalipikasyon sa pag-aaral.”)
(Maaaring makipag-ugnay sa telepono: Kagawaran ng Edukasyon (02)2720-8889 o
1999 ext. 6362)