Ang Vesak ay ang pistang pagdiriwang ng kapanganakan, kaliwanagan at kamatayan ng Gautama Buddha sa Southern Buddhism at tinatawag na Kaarawan ni Buddha sa Northern Buddhism.
Ang Buddha ay ipinanganak sa isang araw ng kabilugang buwan sa buwan ng Mayo; pagkaraan ng 35 taon, sa isang araw ng kabilugang buwan sa buwan ng Mayo rin naliwanagan sa ilalim ng puno ng Bodhi. Sa huli, sumakabilang-buhay siya sa isang araw ng kabilugang buwan sa buwan ng Mayo rin. Magkakaiba ang tatlong araw na ito, ngunit pare-parehong nasa buwan ng Mayo at ang pinakamalaking pagkakatulad ay ang kabilugan ng buwan. Kaya itinakda ng mga Budismo ang pagdiriwang ng Vesak sa unang araw ng kabilugan ng buwan sa Mayo ng bawat taon. Isinasagawa ng mga Budismo ang marangyang pagdiriwang nitong mahalagang pista isang beses sa isang taon sa mga bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Sri Lanka, Nepal, Thailand, Kampuchea, Myanmar, Singapore, Malaysia, Indonesia at Bangladesh. Noong 1950, ang Vesak ay opisyal na kinilala ng World Fellowship of Buddhists bilang internasyonal na pista at internasyonal rin itong kinilala ng United Nations sa ginanap na 54th General Assembly noong 1999.