Tumutugon ang lungsod sa biktima ng karahasan sa pamilyang may 2 kategoryang subsidiya: “Tulong sa pamilyang nagkaroon ng pangyayaring kakaiba sa Lungsod ng Taipei (Art. 4-1.3 Biktima ng Karahasan sa Pamilya)” at “Subsidiya sa Biktima ng Karahasan sa Pamilya sa Lungsod ng Taipei”. Sumusunod ang mga kaugnay na impormasyon:
(I) Tulong sa pamilyang nagkaroon ng pangyayaring kakaiba sa Lungsod ng Taipei (Art. 4-1.3 Biktima ng Karahasan sa Pamilya)
1. Mga kabilang sa subsidiya: Emerhensyang tulong sa pamumuhay, allowance sa pamumuhay ng anak, allowance sa pangangalaga sa Kabataan, subsidiya sa edukasyon ng anak, subsidiya sa pagpapagamot, subsidiya sa litigasyon at batas, subsidiya sa utang para sa pagsimula ng negosyo.
2. Kwalipikasyon sa subsidiya:
(1) Nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at tumira sa loob ng bansa nang mahigit 183 araw sa nakalipas na isang taon. Ngunit sa unang beses na mag-aaply, hindi limitado sa pinakamababang bilang ng araw ng pagtira sa bansa. Ang bagong imigranteng may rehistradong kasal sa mamamayang nakarehistro ang tirahan at totoong nakatira sa Lungsod ng Taipei, hindi limitado sa rehistrasyon ng tirahan kahit na hindi pa nakukuha ang nasyonalidad ng bansa.
(2) Umaangkop sa Art. 4-1.3 Biktima ng Karahasan sa Pamilya.
(3) Average ng kabuuang kita ng pamilya ayon sa bilang ng tao sa pamilya, bawat tao bawat buwan hindi humigit nang 1.5x sa anunsyong average gastos sa Taiwan sa takdang taon ng bawat tao bawat buwan, at hindi humigit ang ari-arian ng pamilya sa takdang halagang anunsyo ng sentral awtoridad.
3. Panahon ng aplikasyon: Ang araw ng pagtanggap ng aplikasyon ay batay sa tatak ng pagpapadala sa selyo o sa tatak ng araw ng pagtanggap ng Kagawaran.
(1) Emerhensyang tulong sa pamumuhay: Dapat mag-apply sa loob ng 6 buwan matapos mangyari ang kalagayan ayon sa Art. 4-1 (Kung naging biktima ng karahasan sa pamilya sa Abril 20, 2023, dapat mag-apply bago Oktubre 20, 2023).
(2) Extension ng emerhensyang tulong sa pamumuhay: Mag-apply sa gumagabay na opisina bago matapos ang panahon ng emerhensyang tulong sa pamumuhay.
(3) Allowance sa edukasyon ng kabataan: Mag-apply sa loob ng 6 na buwan matapos totoong pumasok ang bata sa daycare center.
(4) Subsidiya sa litigasyon at batas: Mag-apply sa loob ng 6 na buwan matapos naisampa ang kaso at nakumpirma ang hatol ng hukuman.
(II) Subsidiya sa Biktima ng Karahasan sa Pamilya sa Lungsod ng Taipei
1. Mga kabilang sa subsidiya: Pagpapagamot at pagsusuri sa sugat, psychological rehabilitation, pagtira sa shelter, upa sa bahay at gastos sa mga kinakailangan sa buhay. Kung walang nagsisilbing social worker, magpapadala ng tao upang bisitahin at suriin ang kaso kung kinakailangan, at susuriin at papasyahan ng Domestic Violence Center sa Lungsod ng Taipei..
2. Kwalipikasyon sa subsidiya:
(1) Mamamayang nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei.
(2) Legal na naninirahan at may rehistradong kasal sa mamamayang nakarehistro sa Lungsod o may relasyong kasamang nakatira na taong walang rehistradong tirahan, tagadayuhan, mamamayan ng Tsina, Hongkong o Macau.
3. Panahon ng aplikasyon sa bawat uri ng subsidiya:
(1) Gastos sa pagpapagamot at pagsuri ng sugat: Dapat i-apply sa loob ng 3 buwan sa bawat pangyayaring karahasan sa pamilya (Kung naging biktima ng karahasan sa pamilya sa Abril 20, 2023, dapat mag-apply bago Hulyo 20, 2023).
(2) Gastos sa psychological rehabilitation: Dapat i-apply sa loob ng 3 buwan matapos magpadoktor.
(3) Gastos sa pagtira sa shelter: Ang Domestic Violence Center ang magpapasya kung kinakailangang tumira agad sa shelter.
(4) Upa sa bahay at gastos sa kinakailangan sa pamumuhay: Dapat i-apply sa loob ng 2 taon matapos mangyari ang insidenteng karahasan sa pamilya. Ukol sa upa sa bahay, dapat i-apply sa loob ng 3 buwan mula sariling umupa ng tirahan.