Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang mga dokumentong dapat ihanda sa pag-apply ng subsidiya sa 2U Sasakyan sa mga Nagdadalantao sa Lungsod ng Taipei?

1. Babaeng buntis at may rehistradong tirahan sa Lungsod ng Taipei: Aplikasyon form, Nasyonal ID ng aplikante, handbook sa kalusugan ng babaeng nagdadalantao (kabilang ang mga pahina na may pangalan, inaasahang araw ng panganganak, rekord ng pinakahuling beses na pre-natal check-up, kailangang may tatak ng ospital o klinika at pirma o tatak ng doktor) o katunayan ng pagpapagamot na ginawa sa loob nitong nakaraang 1 buwan (dapat nakasulat ang bilang ng linggong pagdadalantao at ang inaasahang araw ng panganganak).  


2. Dayuhang babaeng buntis at may rehistradong tirahan sa Lungsod ng Taipei ang asawa: Aplikasyon form, Alien Resident Certificate ng aplikante, handbook sa kalusugan ng babaeng nagdadalantao (kabilang ang mga pahina na may pangalan, inaasahang araw ng panganganak, rekord ng pinakahuling beses na pre-natal check-up, kailangang may tatak ng ospital o klinika at pirma o tatak ng doktor) o katunayan ng pagpapagamot na ginawa sa loob nitong nakaraang 1 buwan (dapat nakasulat ang bilang ng linggong pagdadalantao at ang inaasahang araw ng panganganak), Nasyonal ID ng asawang nakarehistro sa Taipei. Dapat isulat sa aplikasyon form ang pangalan ng asawa, ID Number at address ng rehistradong tirahan.