Para sa publikong nagpapagamot sa Taipei City Hospital
I. Kwalipikasyon sa pag-apply at dapat ihandang papeles (para sa beripikasyon at mag-iiwan ng kopya para sa records)
(1) Mismong tao ang nag-aapply: Orihinal Nasyonal ID o iba pang makakapagpatunay sa pagkilanlan: tulad ng household registration certificate, health card na may litrato at iba pa. * Dapat nakahanda ang orihinal na pasaporte o ARC ng taong dayuhan.
(2) May kumakatawan na nag-aaply: Orihinal Nasyonal ID ng pasyente, orihinal Nasyonal ID ng kumakatawan, orihinal na kasulatan ng pagpayag sa pangangatawan sa pasyente. * Dapat nakahanda ang orihinal na pasaporte o ARC ng taong dayuhan.
(3) May legal kinatawan na nag-aaply (Mula Enero 1, 2023 ayon sa Art. 12 ng Citizens’ Act, nasa hustong gulang ang 18 taon gulang): Orihinal Nasyonal ID ng pasyente (kapag menor de edad, magdala ng orihinal kopya ng household registration certificate o orihinal transcript ng household registration certificate), orihinal Nasyonal ID ng legal kinatawan at dokumentong nagpapatunay ng relasyon sa pasyente (household registration certificate, transcript ng household registration certificate o pasya ng hukuman, orihinal lahat). * Kapag ang kumakatawan ang nag-aapply nito, dapat ihanda ang mga nasabing papeles at ang orihinal na kasulatan ng pagpayag sa pangangatawan sa pasyente at orihinal Nasyonal ID ng kinatawan.
(4) May karapatang tagapagmana ang nag-aapply (asawa, agarang pamilya, collateral pamilya o legal kinatawan): Orihinal Nasyonal ID ng may karapatang tagapagmana, dokumentong nagpapatunay ng relasyon sa pasyente (Orihinal kopya ng ID, household registration certificate o transcript ng household registration certificate), orihinal dokumento sa pagtatanggal sa household registration ng pasyente (transcript sa pagtatanggal o sertipiko ng pagkamatay). * Kapag ang kumakatawan ang nag-aapply nito, dapat ihanda ang mga nasabing papeles at ang orihinal na kasulatan ng pagpayag sa pangangatawan at orihinal Nasyonal ID ng kinatawan. * Dapat nakahanda ang orihinal na pasaporte o ARC ng taong dayuhan.
II. Mga babayarin sa magkakaibang aplikasyon:
(1) Pangkaraniwang sertipiko ng diagnosis:
Wikang Chinese: $100 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
Wikang Ingles: $200 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
(2) Sertipiko ng kapanganakan:
Wikang Chinese: Unang bigay, 3 kopya, $20; mula sa ika-4 na kopya, $15 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
Wikang Ingles: $200 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
(3) Sertipiko ng pagkamatay:
Wikang Chinese: Unang bigay, 3 kopya, $20; mula sa ika-4 na kopya, $15 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
Wikang Ingles: $200 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
(4) Sertipiko ng pagsusuri sa sugat: $300 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
(5) Sertipiko ng pagpapagamot: $20 bawat kopya
(6) Katunayan ng babayarin sa pagpapagamot:
Wikang Chinese: $50 bawat kopya, $15 mula sa pangalawang kopya
Wikang Ingles: $200 bawat kopya, $15 bawat kopyang photocopy
(7) Photocopy ng medical records (report sa pagsusuri):
1. Hindi nagpakonsulta at kukuha lamang ng kopya ng medical records: Basic administrative fee $180 (10 pahina), mula sa ika-11 pahina, magdagdag ng $4. Halimbawa: Kukuha si Mr. A ng kopya ng medical records na may 12 pahina, kailangang magbayad ng 180 + 2 pahina x 4 = $188.
2. Nagpakonsulta at kukuha ng kopya ng medical records: $4 bawat pahina (itinuturing na 2 pahina ang magkabilaang papel).
(8) Photocopy ng buod ng medical records sa paglabas mula sa ospital: $50 bawat kopya, mula sa ikalawang kopya, photocopy ng medical records, $4 bawat pahina (itinuturing na 2 pahina ang magkabilaang papel).
(9) Buod ng medical records: Wikang Chinese: $400 bawat kopya, wikang Ingles: $600 bawat kopya
(10) Disc copy ng image (X-ray、CT、MRI): $200 bawat item (Kapag lumampas ang bawat item sa kapasidad ng disc, madadagdagan ang gastos ayon sa nadagdagang disc)
III. Mga telepono para sa pagtatanong
Zhongxing Branch: 2552-3234 ext. 3161
Renai Branch: 2709-3600 ext. 3123 / 3119
Yangming Branch: 2835-3456 ext. 6120
Heping Fuyou Branch (Heping): 2388-9595 ext. 2112
Heping Fuyou Branch (Fuyou): 2391-6470 ext. 1101
Zhongxiao Branch: 2786-1288 ext. 8155
Songde Branch: 2726-3141 ext. 1116
Kunming Branch (Linsen): 2591-6681 ext. 1213
Kunming Branch (Chinese Medicine): 2388-7088 ext. 3521