Upang maalagaan ang nutrisyon at kalusugan ng mga mag-aaral, may budget na ibinibigay bawat taon ang Kagawaran ng Edukasyon para sa subsidiya sa tanghalian ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang sa senior high at vocational school. Maaaring mag-apply ng subsidiya sa tanghalian bawat semestro kung nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at umaangkop sa mga kondisyon sa ibaba:
1. Pampublikong paaralang elementarya at junior high school sa Lungsod ng Taipei
(1) “Low-income household”mag-aaral na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan.
(2) Anak ng pamilyang “middle low-income household” na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan.
(3) Mag-aaral mula sa pamilyang may problema sa pananalapi dulot ng biglaang pagbabago sa pamilya at itinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa pagkain sa tanghalian.
(4) Mag-aaral mula sa tribong indigenous.
(5) Mag-aaral na may pisikal o mental na kapansanan (kailangang may bisang sertipikasyon ng kapansanan na inisyu ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan, walang kaibahan sa antas na banayad, katamtaman o malubha).
2.Pampubliko at pribadong senior high school at senior vocational school sa Lungsod ng Taipei
(1) “Low-income household”mag-aaral na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan.
(2) Mag-aaral mula sa pamilyang may problema sa pananalapi dulot ng biglaang pagbabago sa pamilya at itinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa pagkain sa tanghalian.
3. “Low-income household”mag-aaral, nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at nag-aaral ng senior high / vocational sa ibang county o lungsod.
4. “Low-income household”mag-aaral, nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at nag-aaral sa junior college sa buong bansa (pang-unang taon hanggang pangatlong taon)
Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei