Maaari bang parehong i-apply ang subsidiya sa biktima ng pampamilyang karahasan at ang tulong sa pamilyang nagkaroon ng kakaibang pangyayari (Art. 4-1.3 Biktima ng pampamilyang karahasan)? Kung hindi maaari, paano dapat pumili?
(1) Maaaring isubmite muna ng aplikante ang mga dokumento ng aplikasyon sa pag-apply ng pagkilala bilang pamilyang nagkaroon ng kakaibang pangyayari alinsunod sa nauugnay na mga probisyon sa Regulasyon sa Tulong sa Mga Pamilyang may Kakaibang Sitwasyon. Kapag nakapasa sa pagsusuri, magkakamit ng emerhensyang tulong sa pamumuhay nang ayon sa kalagayan ng pamilya, subsidiya sa pamumuhay ng mga anak, subsidiya sa pangangalaga at edukasyon ng mga anak ayon sa sitwasyon ng pamilya ng aplikante, subsidiya sa pagpapagamot ng sakit, subsidiya sa legal na litigasyon at tulong sa pangungutang upang makapag-umpisa ng sariling negosyo.
(2) Kapag hindi nakapasa sa emerhensyang tulong sa pamumuhay sa probisyon ng Regulasyon sa Tulong sa Mga Pamilyang may Kakaibang Sitwasyon, maaaring mag-apply muli ng subsidiya sa upa sa tirahan at tulong sa mga kinakailangang gastos sa pamumuhay.