Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Anong mga kapakanang serbisyo ng bagong imigrante sa Lungsod ng Taipei?

Ang gawaing pangangalaga at paggabay sa mga bagong imigrante ay magkakasamang ibinibigay ng lahat ng mga tanggapan at kagawaran, at pinag-uugnay ng Tanggapan ng New Immigrant Affairs. Nagbibigay ng suportang panlipunan ang Kagawaran at pinansiyal na subsidy sa bagong imigranteng kababaihan na angkop sa may pangyayaring kakaiba sa buhay. Tumutulong ang Kagawaran ng Sibil Gawain sa pagsasanay sa buhay at ibang kultura. Tumutulong ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga suliraning pag-aaral ng wika. Tumutulong ang Kagawaran ng Labor sa pagpapayo at paghanap ng trabaho at pagsasanay ng kakayahan. Tumutulong ang Kagawaran ng Kalusugan sa pagpapahusay ng kalusugan. Kabilang sa serbisyo ng Kagawaran ng Panlipunang Kapakanan sa pagsisilbi sa mga bagong imigrante ang:

1. Pinansyal tulong sa bagong imigranteng hindi pa nakukuha ang Taiwan nasyonalidad at umaangkop sa pagsisilbi sa pamilyang may pangyayaring kakaiba. 

2. Ang New Immigrant Family Service Center sa Lungsod ng Taipei ay nagbibigay ng pansariling paggabay, pagpapayo sa batas, sikolohikal na pagpapayo, mga aktibidad na sumusuporta sa pagpapalago at pagpapayaman ng kaalaman at iba pa. Telepono: 2558-0133

3. Community Care Center ng Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei: Nagbibigay ng serbisyong pagdalaw at pagmamalasakit, nagbibigay ng impormasyon sa mapagkukunan ng panlipunang kapakanan para sa pamilyang bagong imigrante, emosyonal na suporta at iba pang serbisyo. Naitatag sa 4 na lugar, nasasailalim ang mga kaugnay na impormasyon:

(1) Community Care Center para sa mga Bagong Imigrante sa Distritong Kanluran sa Lungsod ng Taipei (Zhongzheng, Wanhua, Datong), telepono: 2361-6577

(2) Community Care Center para sa mga Bagong Imigrante sa Distritong Norte sa Lungsod ng Taipei (Beitou, Shilin, Zhongshan), telepono: 2504-0399

(3) Community Care Center para sa mga Bagong Imigrante sa Distritong Timog sa Lungsod ng Taipei (Wenshan, Daan, Xinyi), telepono: 2931-2166

(4) Community Care Center para sa mga Bagong Imigrante sa Distritong Silangan sa Lungsod ng Taipei (Nangang, Songshan, Neihu), telepono: 2631-7059