Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Maaari bang mag-apply ang single mothers sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei nang pagtira sa Women’s Home?

1. Dapat rehistradong mamamayan ng Lungsod ng Taipei ang single mother, o bagong imigranteng rehistrado ang kasal sa mamamayan sa lungsod, dahil hiwalay sa asawa, namatay ang asawa, nabilanggo o nawawala ang asawa, nabuntis nang hindi kasal o iba pang dahilan, mag-isang nagpapalaki sa mga anak na wala pang 18 taon gulang at hindi pa ikinakasal, at angkop sa mga kondisyon sa ibaba:

(1) Ang kabuuang kita ng aplikante at mga anak, hindi humihigit sa NTD25,844 ang average sa bawat tao bawat buwan (standard sa taon 2023).

(2) Ang personal ari-arian ng aplikante at mga anak, hindi humihigit sa NTD570,396 ang average sa bawat tao (standard sa taon 2023).

(3) Hindi humihigit sa NTD6,500,000 ang real property ng buong household.

(4) Ang aplikante at mga anak ay pare-parehong walang sariling tirahan.

(5) Kayang pangalagaan ng aplikante ang sariling pamumuhay.

(6) Kapag wala pa sa hustong gulang ang aplikante, kinakailangan muna ang pagsang-ayon ng legal na kumakatawan bago maaaring mag-apply.


2. Ang may nais na tumira, mangyaring ilakip ang mga kinakailangang dokumento sa aplikasyon form at gagawa ng pagdalaw at ebalwasyon sa pag-angkop sa standard ng pagtira. Kapag natanggap ang abiso sa pagsang-ayon sa pagtira, dapat lumipat at tumira sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang abiso. Kapag may tanong, maaaring tumawag sa Women’s Home sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei, telepono: 1999 (02-27208889 sa ibang lugar bukod sa Taipei) ext. 1712、1714.