Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Anong mga kondisyon ang dapat mayroon sa pag-apply ng subsidiya sa pamilyang nagkaroon ng pangyayaring kakaiba?

1. Dapat nakarehistro at totoong nakatira sa Lungsod ng Taipei ang aplikante, at umaangkop sa isa sa mga kalagayan sa ibaba (Hindi limitado sa rehistrasyon ng tirahan ang bagong imigranteng rehistrado ang kasal sa mamamayang nakarehistro sa lungsod at totoong nakatira sa Lungsod ng Taipei. Hindi kasama sa limitadong rehistrasyon ng tirahan ang hindi pa nakakuha ng nasyonalidad ng bansa; at kapag ang aplikante ay angkop sa biktima ng karahasan sa pamilya, hindi kasama sa limitasyong totoong nakatira sa Lungsod ng Taipei).

(1) 65 taon gulang at pababa, namatay ang asawa o nai-report na nawawala sa pulisya ng mahigit nang 6 buwan at hindi pa rin nahahanap.

(2) Dahil sadyang iniwan ng asawa o dahil sa pang-aabuso ng asawang hindi na maaaring kasama sa tirahan, nagka-diborsyo sa paghatol ng kumpirmadong paghihiwalay o natapos ang kasunduang diborsyo.

(3) Biktima ng karahasan sa pamilya.

(4) Kababaihang hindi kasal, nagdadalantao nang 3 buwan at higit pa hanggang sa loob ng dalawang buwan pagkaraan manganak.

(5) Dahil diborsyado, namatay ang asawa, hindi kasal at mag-isang nagpapalaki ng anak na wala pang 18 taon gulang o mag-isang nagpapalaki ng apo na hindi kayang buhayin ng magulang na wala pang 18 taon gulang at walang kakayahang magtrabaho o subalit may kakayahang magtrabaho, hindi makapagtrabaho dahil may malalang sakit o nag-aalaga ng anak na wala pang 6 taon gulang kaya hindi makapagtrabaho.

(6) Nahatulan ang asawa ng sentensyang pagbilanggo nang 1 taon at mahigit pa o may parusang paghihigpit sa personal kalayaan nang 1 taon at mahigit pa, at kasalukuyang ipinapatupad. 

(7) Ayon sa ebalwasyon ng Kagawaran, dahil sa malalaking pagbabago sa buhay sa loob ng 3 buwan at naging sanhi ng kahirapan sa buhay at pananalapi, at ang mga pangunahing pagbabago ay hindi dahil sa personal na pananagutan, utang, hindi sinasadyang kawalan ng trabaho at iba pa.


2. Kabuuang kita ng pamilya ng aplikante sa taon 2023 hindi humihigit sa 35,270 bawat buwan bawat tao, at ang average na ari-arian ng pamilya hindi humihigit sa 570,396 bawat tao, real estate ng buong sambahayan hindi humihigit sa 6,500,000.


3. Ang umangkop sa kwalipikasyong mag-apply, magbibigay ang Kagawaran ng opisyal dokumentong magkumpirma sa pagkilanlan na pamilyang nagkaroon ng pangyayaring kakaiba.

Opisina: Kagawaran ng Panlipunang Kapakanan para sa Kababaihan at Pangangalaga sa Kabataan

Contact: Miss Chen

Telepono: 1999 ext. 1951