Isinagawa ng New Immigrants’ Hall at ng Taiwan Tibetan Welfare Association ang “Aktibidad Pagbabahagi at Pagranas ng Kultura ng Tibet” sa Wanhua New Immigrants’ Hall noong Hunyo 23, 2019. May 30 bagong imigranteng mag-anak ang sumali sa aktibidad. Inimbitahan sina Chiang Yang at Tenzin Namdak na magbahagi ng ukol sa masagana at makulay na kultura ng Tibet. Nagturo rin sila ng pagguhit ng larawan ng Tibet at paggawa ng pagkaing pangmeryenda sa Tibet.