Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Proseso ng pagkuha ng Nasyonal ID ng tagadayuhan (hindi kabilang ang mga mamamayan sa Hongkong, Macau at Tsina)? Gaano katagal makaraan nakakuha ng ARC bago maaaring mag-apply para sa ID? Paraan ng pagproseso?

  I. Una, mag-apply ayon sa regulasyon ng naturalisasyon sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan sa loob ng bansa. Ililipat ng Household Registration Office ang pag-apruba mula sa mga pamahalaang munisipyo at county (lungsod) sa Ministri ng Interior.


 II. Aaprubahan ng Ministri ng Interior ang naturalisasyon sa nasyonalidad ng Republika ng Tsina.


III. Mag-apply ng "Taiwan Residence Permit" sa service station ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior, at magsumite ng katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa loob ng 1 taon mula sa petsa ng pag-apruba ng Ministri ng Interior sa naturalisasyon. Kung ang sertipiko ay hindi maibigay sa loob ng panahong ito, maliban kung na-verify ng Ministry of Foreign Affairs na dahil sa paghihigpit sa legal o administratibong proseso sa bansang pinagmulan, naging sanhi ng hindi makapagsumite ng katibayan ng pagkawala ng nasyonalidad sa loob ng takdang panahon at maaaring mag-apply ng extensyon sa takdang panahon, dapat bawiin ang pahintulot sa naturalisasyon.


IV. Matapos naisumite ang katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad at tumira nang takdang panahon ayon sa regulasyon ng Immigration Act 【mula sa araw na inaprubahan ang residensya, tuloy-tuloy na manirahan nang 1 taon; o may residensyang 2 taon at nanirahan nang 270 at higit pang araw sa bawat taon; o may residensyang 5 taon at nanirahan nang 183 at higit pang araw sa bawat taon】, at mag-apply ng “Taiwan Permanent Resident Certificate” sa service station ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior.


  V. Kapag nakuha na ang Permanent Resident Certificate, maaari nang pumunta sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan at mag-apply ng pagrehistro ng lugar ng tirahan at makuha ang Nasyonal ID.


◎ Kapag ang mga dokumentong isusumite ay ginawa sa ibang bansa, kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs. Kapag ang dokumento ay nanggaling sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng ibang bansa sa Taiwan, dapat ipasuri sa Ministri ng Foreign Affairs. Kapag nasa dayuhang wika ang dokumento, dapat maglakip ng pagsasalin sa wikang Chinese at kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs o kilalanin ng publikong notaryo sa bansa ang pagsasalin sa wikang Chinese.