I. Mag-apply ng naturalisasyon ayon sa Nationality Law sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan sa loob ng bansa. (Magbilang pa-atras mula sa araw ng aplikasyon, dapat may legal na residensya sa magkakasunod na 3 taon at may katotohanang tumira nang mahigit sa 183 araw bawat taon.) At ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
(1) Aplikasyon form sa naturalisasyon.
(2) Legal at may bisang Alien Resident Certificate (ARC) o Alien Permanent Resident Certificate (APRC).
(3) Transcript copy ng rehistrasyon ng kasal sa household office (hindi kailangang ilakip ng aplikante, awtoridad ang gagawa ng proseso)
(4) Sertipikasyon ayon sa Artikulo 3 ng Mga Pamantayan para sa Pagkilala sa Pangunahing Kakayahan sa Wika at Pangkalahatang Kaalaman ng mga Karapatan at Tungkulin ng Naturalized ROC Citizens.
(5) Isang litrato (alinsunod sa detalye ng larawan sa bagong Nasyonal ID).
(6) May babayarin na NT$1200. (Gumamit ng postal money order at ibayad sa Ministri ng Interior)
II. Matapos makuha ang sertipiko ng nasyonalidad ng Republika ng Tsina sa pamamagitan ng naturalisasyon, mag-apply para sa "Taiwan Resident Permit" sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior, at magsumite ng katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa loob ng 1 taon mula sa petsa ng pag-apruba ng Ministri ng Interior sa naturalisasyon. Kung ang sertipiko ay hindi maibigay sa loob ng panahong ito, maliban kung na-verify ng Ministry of Foreign Affairs na dahil sa paghihigpit sa legal o administratibong proseso sa bansang pinagmulan, naging sanhi ng hindi makapagsumite ng katibayan ng pagkawala ng nasyonalidad sa loob ng takdang panahon at maaaring mag-apply ng extensyon sa takdang panahon, dapat bawiin ang pahintulot sa naturalisasyon.
III. Matapos naisumite ang katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad at nanirahan sa Taiwan nang takdang panahon, mag-apply ng “Taiwan Permanent Resident Certificate” sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior. Pagkatapos, mag-apply ng pagrehistro ng lugar ng tirahan at pagkuha ng Nasyonal ID sa Household Registration Office.
IV. Mga kinakailangang dokumento sa pag-apply ng unang rehistrasyon ng lugar ng tirahan at pagkuha ng Nasyonal ID:
(1) Household Certificate (Hindi kailangan ilakip kapag nag-iisa sa household, ngunit kailangang magbigay ng katunayan o iba pang nauugnay na mga dokumento ng pagmamay-ari sa bahay).
(2) Isang may kulay na litrato o digital kopya (litratong nakuha sa loob ng nakaraang 2 taon at alinsunod sa detalye ng larawan sa bagong Nasyonal ID, maaaring sumangguni sa website ng Department of Household Registration, MOI - http://www.ris.gov.tw/).
(3) Unang pagkuha (pagpalit) ng household certificate NT$30; unang pagkuha ng Nasyonal ID NT$50.
◎ Kapag ang mga dokumentong isusumite ay ginawa sa ibang bansa, kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs. Kapag ang dokumento ay nanggaling sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng ibang bansa sa Taiwan, dapat ipasuri sa Ministri ng Foreign Affairs. Kapag nasa dayuhang wika ang dokumento, dapat maglakip ng pagsasalin sa wikang Chinese at kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs o kilalanin ng publikong notaryo sa bansa ang pagsasalin sa wikang Chinese.
Para sa mga kinakailangang dokumento sa pag-apply ng Taiwan Resident Permit at Taiwan Permanent Resident Certificate, maaaring magtanong sa service station ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior.
◎ Kapag nais unawain ang mga dokumentong dapat ihanda sa pag-apply sa naturalisasyon, maaaring sumangguni sa website ng Department of Household Registration, MOI ( http://www.ris.gov.tw/): screen page – mga regulasyon at mga dapat alamin sa pagproseso – mga dapat alamin sa prosesong naturalisasyon – aplikasyon para sa pagbabago ng nasyonalidad at listahan ng mga kinakailangang dokumento.