Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Matapos makipagdiborsyo ang dayuhang asawa, ano ang gagawin upang makakuha ng Nasyonal ID?

Matapos makipagdiborsyo ang dayuhang asawa, dahil nawala ang dahilan ng paninirahan bilang dependent, sa prinsipyo ay hindi na maaaring magpatuloy ng pagtira sa Taiwan at hindi rin maaaring magkaroon ng naturalisasyon para kumuha ng ID, ngunit may mga kakaibang kalagayan tulad ng: May katotohanang pagbigay ng suporta, may karapatan at obligasyon, nakikipagkita at nakikipag-ugnayan sa anak na may Taiwan nasyonalidad at walang kakayahan o limitado ang kakayahan sa gawaing kaugnay sa batas, o guardian (tagapag-alaga) o assistant ng mamamayan ng Republika ng Tsina, at maaaring mag-apply sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior ng pagpapatuloy ng pagtira sa Taiwan sanhi ng bagong dahilan. Halimbawa, matapos makipagdiborsyo ang dayuhang asawa, may katotohanang pangangalaga sa anak na may Taiwan nasyonalidad at wala o limitado ang kakayahan sa gawaing kaugnay sa batas, may karapatan bilang legal guardian o nakikipagkita sa mga anak. Kung nais mag-apply ng Nasyonal ID, kailangan munang mag-apply ng naturalisasyon ayon sa Nationality Law sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan sa loob ng bansa. At magsumite ng katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa loob ng 1 taon mula sa petsa ng pag-apruba ng Ministri ng Interior sa naturalisasyon. Kung ang sertipiko ay hindi maibigay sa loob ng panahong ito, maliban kung na-verify ng Ministry of Foreign Affairs na dahil sa paghihigpit sa legal o administratibong proseso sa bansang pinagmulan, naging sanhi ng hindi makapagsumite ng katibayan ng pagkawala ng nasyonalidad sa loob ng takdang panahon at maaaring mag-apply ng extensyon sa takdang panahon, dapat bawiin ang pahintulot sa naturalisasyon.


  I. Dapat ihanda ang mga sumusunod na dokumento kapag mag-aapply para sa nasyonalidad ng Republika ng Tsina:


(1) May katunayang legal na pagtira sa loob ng teritoryo ng Republika ng Tsina nang 183 araw at higit pa sa bawat taon sa magkakasunod na 3 taon o higit pa.


(2) May kakayahan at kapasidad batay sa batas ng Republika ng Tsina at sa batas ng bansa.


(3) Walang masamang pag-uugali at walang rekord ng kasong kriminal sa pulisya.


(4) May sapat na ari-arian o propesyonal kasanayan, sapat upang maaaring mabuhay nang sarili, o garantisado ang seguridad sa pamumuhay.


(5) May kakayahan sa wika at pangkalahatang kaalaman ng mga karapatan at tungkulin ng mamamayan.


 II. Dapat punan ang aplikasyon form sa naturalisasyon at ilakip ang mga sumusunod na dokumento:


(1) Dokumentong pagpapatunay ng pagkakaroon ng ari-arian o propesyonal kasanayan, sapat upang maaaring mabuhay nang sarili, o garantisado ang seguridad sa pamumuhay.


(2) Dokumentong pagpapatunay ng kakayahan sa wika at pangkalahatang kaalaman ng mga karapatan at tungkulin ng mamamayan.


(3) May bisang Alien Resident Certificate (ARC) o Alien Permanent Resident Certificate (APRC).


(4) Sertipikasyon ng police record ng bansang pinanggalingan. (Kapag ang dayuhang asawa ay dating nakapagsumite ng sertipikasyon ng police record ng bansang pinanggalingan noong nag-aapply bilang ‘dependent’ at asawa ng mamamayan, at walang rekord ng pag-alis sa bansa mula nagdiborsyo, dapat payagan na hindi na magsumite ng sertipikasyon ng police record ng bansang pinanggalingan.)


(5) Isang may kulay na litrato, nakuha sa loob ng nakaraang 2 taon (alinsunod sa detalye ng larawan sa bagong Nasyonal ID, isulat ang pangalan sa likod ng litrato)


(6) May babayarin na NT$1200 (gumamit ng postal money order at ibayad sa Ministri ng Interior)


III. Matapos makuha ang sertipiko ng nasyonalidad ng Republika ng Tsina sa pamamagitan ng naturalisasyon, mag-apply para sa "Taiwan Resident Permit" sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior, at magsumite ng katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa loob ng 1 taon. Pagkaraan ng paninirahan sa Taiwan nang takdang panahon, mag-apply ng “Taiwan Permanent Resident Certificate” sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior. Kapag nakuha na ang Permanent Resident Certificate, maaari nang mag-apply ng pagrehistro ng lugar ng tirahan at pagkuha ng Nasyonal ID sa Household Registration Office.


(1) Household Certificate (Hindi kailangan ilakip kapag nag-iisa sa household, ngunit kailangang magbigay ng katunayan o iba pang nauugnay na mga dokumento ng pagmamay-ari sa bahay).


(2) Isang may kulay na litrato o digital kopya ng litratong nakuha sa loob ng nakaraang 2 taon (Para sa detalye, sumangguni sa website ng Department of Household Registration, MOI)


(3) Unang pagkuha ng household certificate NT$30; unang pagkuha ng Nasyonal ID NT$50.


◎ Kapag nais unawain ang mga dokumentong dapat ihanda sa pag-apply sa naturalisasyon, maaaring sumangguni sa website ng Department of Household Registration, MOI: screen page – mga regulasyon at mga dapat alamin sa pagproseso – mga dapat alamin sa prosesong naturalisasyon – aplikasyon para sa pagbabago ng nasyonalidad at listahan ng mga kinakailangang dokumento.


◎ Kapag ang mga dokumentong isusumite ay ginawa sa ibang bansa, kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs. Kapag ang dokumento ay nanggaling sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng ibang bansa sa Taiwan, dapat ipasuri sa Ministri ng Foreign Affairs. Kapag nasa dayuhang wika ang dokumento, dapat maglakip ng pagsasalin sa wikang Chinese at kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs o kilalanin ng publikong notaryo sa bansa ang pagsasalin sa wikang Chinese.


◎ Para sa mga kinakailangang dokumento sa pag-apply ng Taiwan Resident Permit at Taiwan Permanent Resident Certificate, maaaring magtanong sa service station ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior [link].