I. Ukol sa mga regulasyon sa naturalisasyon, batay sa tuntunin ng Artikulo 3 o 4 ng Nationality Law, dapat matugunan ang mga sumusunod na kinakailangan at mag-apply ng naturalisasyon sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan sa loob ng bansa:
(1) Tagadayuhan o taong walang nasyonalidad, may tirahan ngayon sa loob ng teritoryo ng Republika ng Tsina, may katunayang may legal na pagtira nang 183 araw at higit pa sa bawat taon sa magkakasunod na 3 taon o 5 taon at higit pa.
(2) May kakayahan at kapasidad batay sa batas ng Republika ng Tsina at sa batas ng bansa.
(3) Walang masamang pag-uugali at walang rekord ng kasong kriminal sa pulisya.
(4) May sapat na ari-arian o propesyonal kasanayan, sapat upang maaaring mabuhay nang sarili, o garantisado ang seguridad sa pamumuhay. (Hindi kinakailangan kung ang aplikante ay may asawang mamamayan ng Taiwan o kung ang aplikante ay may hawak na APRC).
(5) May kakayahan sa wika at pangkalahatang kaalaman ng mga karapatan at tungkulin ng mamamayan.
II. Matapos makuha ang sertipiko ng nasyonalidad ng Republika ng Tsina sa pamamagitan ng naturalisasyon, mag-apply para sa "Taiwan Residence Permit" sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior, at magsumite ng katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa loob ng 1 taon mula sa petsa ng pag-apruba ng Ministri ng Interior sa naturalisasyon. Kung ang sertipiko ay hindi maibigay sa loob ng panahong ito, maliban kung na-verify ng Ministry of Foreign Affairs na dahil sa paghihigpit sa legal o administratibong proseso sa bansang pinagmulan, naging sanhi ng hindi makapagsumite ng katibayan ng pagkawala ng nasyonalidad sa loob ng takdang panahon at maaaring mag-apply ng extensyon sa takdang panahon, dapat bawiin ang pahintulot sa naturalisasyon.
III. Makaraan ang pagtira sa may takdang panahon (naisumite na ang katibayan ng pagkawala ng orihinal na nasyonalidad), mag-apply ng “Taiwan Permanent Resident Certificate” sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior. Kapag nakuha na ang Permanent Resident Certificate, maaari nang pumunta sa Household Registration Office sa lugar ng tirahan at mag-apply ng pagrehistro sa tirahan at makuha ang Nasyonal ID.
◎ Kapag ang mga dokumentong isusumite ay ginawa sa ibang bansa, kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs. Kapag ang dokumento ay nanggaling sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng ibang bansa sa Taiwan, dapat ipasuri sa Ministri ng Foreign Affairs. Kapag nasa dayuhang wika ang dokumento, dapat maglakip ng pagsasalin sa wikang Chinese at kailangang ipasuri sa embahada, konsulado o awtorisadong ahensya ng Taiwan sa ibang bansa at muling suriin ng Ministri ng Foreign Affairs o kilalanin ng publikong notaryo sa bansa ang pagsasalin sa wikang Chinese.