Sa Taiwan, ang Moon Festival (o Mid-Autumn Fesival) ang pinakamahalagang okasyon sa buwan ng Setyembre. Ang kaugaliang kumain ng suha, magmasid sa buwan, ang nauuso nitong mga nakaraang taon – barbecue, puro pagtitipon ng buong pamilya sa mahalagang araw ng pagdiriwang. Alam ba ninyong sa kabilang panig ng mundo sa South Africa, may pistang tradisyonal sa buwan ng Setyembre at nag-iihaw rin ang bawat pamilya?
Setyembre 24, Heritage Day (Araw ng Pamana) sa South Africa, tinatawag rin na Shaka Day, pistang nagsimula sa paggunita sa Haring Shaka ng Zulu at pagdiriwang din ng magkakaibang kultura, paniniwala at tradisyon sa South Africa. Ang Araw ng Pamana ay opisyal na araw ng pahinga at bukod sa pagtitipon ng pamilya at ilang aktibidad ng pagdiriwang, nakagawian na nitong ilang nakaraang taon ang pag-iihaw.
Ang pag-iihaw ay tradisyonal na paraan ng pagluluto sa South Africa, simbolo ng ugat ng kultura sa Araw ng Pamana. Ang bawat pamamahay ay gagawa ng apoy sa likod ng bahay at magluluto ng karne at gulay sa apoy ng uling. Magluluto rin ng pap (tinapay) at sheba (lugaw) na maaaring isabay sa pagkain.