- Opisina ng Distrito ng Xinyi Pagtatapos at Eksibisyon ng Pag-aaral at Paglikha ng Sining para sa mga Bagong Imigrante
- Eksibisyon ng mga Gawang Kamay sa Leather Gawa ng mga Bagong Imigrante
- Pagtuklas sa Bagong Damdamin, Eksibisyon ng mga Gawain ng Anak ng Bagong Imigrante
- Ilarawan ang Aking Bayan – Eksibisyon ng mga Likhang Sining ng Bagong Imigrante
- Ang Minamahal kong Nanay – Eksibisyon ng mga Guhit ng Anak ng Bagong Imigrante
- Masskara Festival Espesyal na Eksibisyon
- Simple at Magaan na Paglalakbay – Espesyal Eksibisyon ng Estilo ng Magkakaibang Bansa
- Ika-7 Taon International Migrant Workers Zentangle Exhibition
- Espesyal Eksibisyon sa Kakaibang Mundo ng mga Pagkain na Snacks
Simple at Magaan na Paglalakbay – Espesyal Eksibisyon ng Estilo ng Magkakaibang Bansa
Habang tumitikim ng kapeng mabango, nararanasan din ang estilo ng magkakaibang bansa sa Timog Silangang Asya at nagpapalipas ng panahon sa paglilibang! Nobyembre 2024, ipinakita sa isang eksibisyon sa Shilin New Immigrants Hall ang mga kakaibang tanawin sa Timog Silangang Asya. May kulay rosas na “Church of the Sacred Heart of Jesus” sa Vietnam; pinakamalapit sa langit na “Gates of Heaven”sa Bali, Indonesia; ang sobra sa tamis na The Dessert Museum sa Manila, Pilipinas; Mae Klong Railways Market sa Thailand kung saan iiwasan ang tren habang namamalengke; pagkuha ng litrato sa“George Town World Heritage Wall Murals”sa Penang, Malaysia - limang tanawin na napupuno ng katangian ng magkakaibang bansa, Sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan, magkaroon ng isang magaan at masayang paglalakbay. Magmadaling itala at paghandaan ang susunod na paglalakbay!
《Vietnam Kulay Rosas na Simbahan - Church of the Sacred Heart of Jesus》
Itinayo ang simbahan sa panahon ng pagsakop ng Pransya sa Vietnam. Natapos 1876, walang masyadong pinagkaiba ang simbahan sa ibang pangkaraniwang simbahan, kulay puti ang labas. Makaraan ang ilang beses na pagpapalawak at mga pagbabagong ginawa, kinulayan ang labas nito ng kulay salmon pink sa taon 1957 at ito ang hitsurang nakikita ng lahat ngayon, kasalukuyang isa sa mga sikat na lugar na pinipuntahan ng mga turista sa Lungsod ng Ho Chi Minh.
Madaming Estilo ng Pambansang Kasuotan sa Vietnam
Itinutukoy rito ang tradisyonal na kasuotan at kasuotan sa kasaysayan ng tribong Jing. Madaming uri ang kasuotan ng Vietnam sa historya, kabilang ang kilalang ao-dai, ao tu than at iba pang pangkaraniwang kasuotan.
《Bali, Indonesia - Pura Penataran Agung Lempuyang Gates of Heaven》
Pinakasikat na templo sa Bali, isa ang Gates of Heaven sa pitong templong lahat. Pangatlo ito sa pinakamalaking templo at may pinakamatagal na kasaysayan sa Bali. Sa sandaling namumula ang langit tuwing dapithapon, makikita ang Gunung Agung, bulkan na itinuturing na banal na bundok ng mga tao at mararamdaman ang pagkasagrado at mataimtim na damdamin.
BATIK
Tinatawag na BATIK ang tradisyonal kasuotan sa Indonesia. May silk o telang cotton, makulay, magaganda ang guhit na larawan, may katangiang katutubo, isinusuot sa mga okasyong pormal at sa mga panggabing handaan. May suot na kasuotang pangkabataan at maiksing manggas ang mga pampublikong empleyado, at nagsusuot ng BATIK o suit sa mga pormal na okasyon.
《The Dessert Museum sa Manila, Philippines》
May 8 magkakaibang theme area sa Museo. May ice cream na binuo ng mga lobo, arkong bahaghari gawa ng marshmallow, malaking doughnut slide, makukulay at kakaibang gawa sa sining, tila pumasok sa malapanaginip na daigdig ng mga bata.
Pambansang Kasuotan sa Pilipinas
Ang Barong Tagalog na suot ng kalalakihan ay damit pang-itaas na walang bulsa, may mga burdang bulaklak at iba pang disenyo. Hindi kailangang magkurbata kapag suot ito. Ang Baro’t Saya na suot ng kababaihan ay ternong saya at may pang-itaas na blusang may bilog o square neckline, maiksi ang manggas, maluwag at malapad ang saya, mataas ang dalawang manggas na parang pakpak ng paru-paro, kaya’t may ngalan na “damit paru-paro”. Isinusuot ang pambansang kasuotan ng Pilipinas tuwing dumadalo sa mga pormal na okasyon at sa kasalan. Isinusuot ng mga lalaki ang Barong Tagalog sa pangkaarawang trabaho.
《Thailand –Mae Klong Railways Market》
Matatagpuan ang Mae Klong Railways Market sa Mae Klong, may 100 kilometro sa timog-kanluran ng Bangkok. Ito ang kakaibang pamilihan ng masasarap na pagkain sa may riles ng tren. Pangkaraniwang nilalagay ng mga nagtitinda ang kanilang puwesto at paninda sa tabi ng riles ng tren. Kapag narinig nilang palapit ang sirena ng tren, kusa nilang itinatabi ang mga paninda at pagkatapos dumaan ang tren, agarang ibabalik at itutuloy ang pagtitinda, at ito ang naging kakaibang pamilihan sa riles ng tren.
Kasuotan sa Thailand
Ang marilag na tradisyonal kasuotan sa Thailand ay damit na pwedeng isuot ng parehong matatanda at mga bata. Sa historya , ang mga lalaki at babae sa Thailand ay nagsusuot ng isang telang iniikot sa baywang at tinatawag na Sompot Chong Kben. Sa lalaki, natatakpan ang bahaging baywang hanggang itaas ng hita. Sa babae, natatakpan ng Sompot Chong Kben ang bahaging baywang hanggang ibaba ng tuhod.
《Malaysia –George Town》
Nakalista ang George Town bilang isang world cultural heritage at isa ring pangunahing lugar ng mga turista sa Penang. Naririto pa rin ang arkitekturang Nyonya sa tirahan ng mga Malay-Chinese mula sa ika-17 siglo. Inimbita rin ng gobyerno ang maraming kilalang artista sa sining na lumikha at nag-iwan ng madaming nakakagiliw na mga guhit at larawan sa mga bakod at dinding, na naging isang kakaibang katangian dito. Kabilang dito ang pinakasikat na guhit ng magkapatid na magkasamang nakasakay sa bisekleta. Tiyakin na pumarito at kumuha ng litrato kapag may pagkakataon!
Batik
May kahulugang teknolohiyang pagkukulay ang batik. Ang may mahabang manggas na polong batik ay itinuturing na pambansang kasuotan sa Malaysia. Karamihan ay gawa sa telang batik, isinusuot sa mga pormal na okasyon. Baju melayu ang tawag sa tradisyonal na kasuotang panglalaki sa Malay, isa itong panlabas na damit na maluwag at itinatali sa baywang, nakapatong sa labas ng mahabang pantalon, kadalasang kasama ang ‘sampin’, isang maiksing sarong na nagtatakip sa balakang. Pangkaraniwan, ang babae ay nagsusuot ng damit na mahaba, walang kuwelyo at mahaba ang manggas. Sa mga lugar na may sosyalan, nagsusuot ng suit o ternong palda ang mga tao sa Malaysia. Madalas kulay pula, kahel o iba pang sariwang kulay ang mga kasuotan sa Malaysia.
Sa panahon ng eksibisyon, maaari pang gumalaw ang kamay at gumawa ng gawain. Napupuno ng kakaibang katangian ang 5 tanawin mula sa magkakaibang bansa. Sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan, magkaroon ng isang magaan at masayang paglalakbay. Magmadaling itala at paghandaan ang susunod na paglalakbay!

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
