- Opisina ng Distrito ng Xinyi Pagtatapos at Eksibisyon ng Pag-aaral at Paglikha ng Sining para sa mga Bagong Imigrante
- Eksibisyon ng mga Gawang Kamay sa Leather Gawa ng mga Bagong Imigrante
- Pagtuklas sa Bagong Damdamin, Eksibisyon ng mga Gawain ng Anak ng Bagong Imigrante
- Ilarawan ang Aking Bayan – Eksibisyon ng mga Likhang Sining ng Bagong Imigrante
- Ang Minamahal kong Nanay – Eksibisyon ng mga Guhit ng Anak ng Bagong Imigrante
- Masskara Festival Espesyal na Eksibisyon
- Simple at Magaan na Paglalakbay – Espesyal Eksibisyon ng Estilo ng Magkakaibang Bansa
- Ika-7 Taon International Migrant Workers Zentangle Exhibition
- Espesyal Eksibisyon sa Kakaibang Mundo ng mga Pagkain na Snacks
May mahabang kasaysayan sa mundo ang kultura ng maskara. Nagsusuot ng maskara ang mga tao upang itago ang kanilang pagkakakilanlan, lumikha ng isang misteryosong kapaligiran at gumagamit rin ng iba't ibang mga pagkakakilanlan at pagpapanggap upang makilahok sa mga aktibidad ng pagdiriwang. Hindi lamang isang paraan ng libangan ang aktibidad sa maskara, kundi isang uri ng paglalahad din ng pagpapahalaga sa lipunan, kultura at sining. Ipinagtipon dito sa eksibisyon ang kultura ng maskara ng 9 na bansa, kabilang ang Thailand, Pilipinas, Indonesia, Korea, Japan, Italy, Hungary, Germany at Mexico. Iniimbitahan ang lahat magsuot ng napakarilag na masskara, makulay na kasuotan, makipagdiwang sa parada sa kalsada, at magkulay ng isang maskara para sa sarili, tumangkilik sa kagandahan ng kultura ng masskara!
🔺Petsa ng Eksibisyon: 2024.8/2(Biyernes)~8/30(Biyernes)
🔺Lugar: Shilin Public Assembly Hall Room 101、201
🔺Nilalaman:
【Pangkalahatang Pagpapaliwanag sa Eksibisyon】
May espesyal na kahalagahan ang maskara sa kasaysayan ng kultura ng tao. Sa mga seremonyang pangrelihiyon, ginagamit ang maskara upang lumalim ang kapangyarihan ng paniniwala sa relihiyon at pakikipag-usap sa mga diyos, at inilalapit ang distansya ng tao sa Diyos. Sa pagdiriwang ng mga pista, nagsusuot ng maskara ang mga tao upang itago ang kanilang pagkakakilanlan at masayang nagdiriwang. Sa pagtatanghal ng mga drama, gumagamit ng mga maskara ang nagtatanghal upang kumatawan sa iba't ibang papel ng tauhan. Mula sa totoong buhay hanggang sa virtual na mundo, hindi lamang sagisag ng kultura ang maskara. Inilalahad nito ang kalagayan ng espirituwal na aktibidad ng tao at kumakatawan din ito sa diwa ng hindi nasasalat na yaman sa kultura.
Madaming mga pista at pagdiriwang sa mundo na nagsusuot ng “masskara”tulad ng Smile Masskara sa Bacolod Masskara Festival, inilalayong manatiling masayahin at positibo ang mga tao sa Pilipinas. Magkakasamang kumakanta at sumasayaw ang lahat, naghahanda ng masasarap na pagkain, nababalutan ang lahat ng masayang kapaligiran ng carnival. Tuwing Phi Ta Khon Festival sa Thailand, nagsusuot ang mga tao ng maskarang mukha ng multo at makulay na damit, nagpapanggap na multo at naglalakad sa parada sa kalsada, nagdarasal para sa maganda at maayos na panahon at masaganang pag-aani.
Tuwing katapusan ng Pebrero sa bawat taon, ginaganap ang Busójárás sa Mohács, Hungary. Nagsusuot ng maskarang kinulayan na pula tulad ng dugo, may mahabang sungay at may balahibo, naglalakad sa malalaki at maliliit na kalye, nananakot sa mga residente at turista. Sa Germany, ang Fasnet o Mardi Gras ay may diwang “mga multong magpapalit, baligtarin ang mundo”. Ang lahat ay magsusuot ng maskarang kahoy na may mukha ng mangkukulam, clown o iba pa. May maskarang bungo sa Mexico sa pagdiriwang ng Pista ng Patay, ipinapatunog ang mga dambana sa simbahan sa 12 ng hatinggabi upang salubungin ang mga kaluluwa ng namatay na kamag-anak at magkakasamang umuwing magsalu-salo.
Ang Andong Mask Festival ng Korea ay binuo batay sa mask dance drama ng Hahoe Byeolshin Festival. Sa panahon ng festival, maaari mong tangkilikin ang sayaw sa maskara mula sa iba’t ibang bansa. May mahigit sa 600 taon na kasaysayan ang pagsuot ng maskara sa pagtatanghal ng drama sa Japan. Sa Indonesia, pinagsasama ang relihiyon at mga alamat sa kulturang sayaw at maskara, may mga detalyadong gawa ng sining, pinaka-essence sa makalumang sining ng Indonesia.
Ang kultura ng maskara na nakikita sa bawat henerasyon o lugar ay may magkakaibang kaugnayan sa pag-unlad ng lipunan, at natural na nagkaroon ng kakaibang katangian sa kultura. Sa paggamit ng maskara bilang props, naipamana ang kinikilalang kultura at kahalagahan.
《Thailand- Phi Ta Khon》
Tradisyonal Kaugalian at Relihiyon sa Thailand
Phi Ta Khon, tinatawag din na Pista ng mga Multo sa Thailand, ang pistang isinasagawa ng Thailand. Layunin nito ang pagbibigay ng alaala kay Prince Vessandorn. Pinaniniwala na ang prinsipe ay pagkakatawang tao ni Gautama Buddha., nagdadala ng kaligayahan at kasaganaan sa mga mamamayan. Ngunit dahil may araw na kailangan niyang bumalik sa langit, nais niyang makalimutan siya ng mga tao. Labis na nalungkot ang mga tao nang malaman ito at nang nalaman ito ng diyos sa langit, pumayag siyang bumalik sa lupa ang prinsipe. Magkakasamang sinalubong ang pagbalik ng prinsipe ng mga tao, lalaki at babae, matatanda at bata, kasama ang mga multo. Nagulat at natakot ang mga tao sa pagsulpot ng mga multo kaya bilang pagbibigay ng konsolasyon sa mga multo, ginaganap ang pag-aalay at pag-aalala sa prinsipe sa nakatadakdang araw.
Phi Ta Khon
Ginaganap ang 3 araw na pista ng Phi Ta Khon tuwing buwan ng Hunyo o Hulyo bawat taon. Isa ito masayang pagdiriwang, nagdadasal para sa magandang panahon, masaganang pag-aani at walang nakakatakot sa pagdiriwang nito.
Tinatawag na Wan Ruam ang unang araw ng pagdiriwang, sinasalubong ang Phra U-pakut, tagapagbantay sa ilog, upang maprotektahan ang mga mamamayan. May parada sa pangalawang araw, nagdadamit na tila multo ang mga tao, nagsasayaw sa tugtog sa kalsada sa bayan, isang napakasayang pagdiriwang ng carnival. Sa huling araw, pumupunta sa templo upang magdasal, magsindi ng kandila at insenso, nagdadasal at nag-aalay sa mga ninuno at mga diyos.
Katangian ng Maskarang Multo
Gawa sa mga dahon at sanga ng puno ng niyog at lutuang kawayan, kinukulayan ang pangil at mga tattoo. Makukulay ang suot ng mga mamamayan sa araw na ito, magpapanggap ng hitsura ng multo at makikisali sa parada. May mga nakasabit na latang bakal o pira-pirasong bakal para gumawa ng ingay, may tambol, pinapalayas ang mga espiritung masasama, nagsasayawan sa musika sa kalsada, tila isang malaki at masayang pagdiriwang ng pista.
《Bacolod Masskara Festival》
Kahit na anong hirap ng buhay, dapat manatiling masaya
Nagsimula ang pagdiriwang nito sa taon 1980 sa Bacolod, matatagpuan sa bahaging kalagitnaan ng Pilipinas. Pangunahing pamumuhay ng mga tao roon ang pagtanim ng tubo at produktong asukal. Ngunit nadiskubre ng Amerika ang fructose sugar bilang kapalit sa asukal, kaya nagdulot ng pagbagsak ng industriyang pagtatanim ng tubo. Nagkasabay sa panahong iyon ang paglubog ng barkong “MV Juan”matapos makipagbanggaan sa cargo ship. Nakasakay sa barko ang mga residente ng Negros, may mahigit sa isang libong tao, mga nagtapos ng pag-aaral sa Maynila o mga turista. Nasawi ang halos lahat ng pasahero kaya mabigat ang loob ng mga tao. Upang himukin ang lahat na malampasan ang kahirapan sa pamamagitan ng isang ngiti, idinaos ang Bacolod Masskara Carnival na may temang simbolo ng "Smile Mask". Mula noon, ginaganap ito sa Bacolod tuwing buwan ng Oktubre, at kilala rin ang Bacolod bilang "City of Smiles".
Ang Makulay na Smile Masskara
Pilipinas - Ginaganap ang Bacolod Masskara Festival sa kalagitnaan ng Oktubre bawat taon. Kabilang sa pangunahing aktibidad ang: pagpili sa pinakamagandang Masskara hari at reyna, paligsahan sa pagsasayaw, karnabal, mga puwestong may pagkain, aktibidad sa sports, konsyerto, pamilihan, eksibisyon sa pangangalakal at iba pa. Nagsusuot ang madla ng makulay na maskarang nakangiti, nangangatawan sa mukhang nakangiti na sumasalubong sa bawat paghamon. Tuwing ginaganap itong pista, tila may party na ginaganap sa kalsada. Kumakanta at sumasayaw ang lahat, may masasarap na pagkain, masaya ang lahat sa pagdiriwang ng carnival.
《Indonesia – Sayaw ng Masskara》
Tradisyonal Sining
Gawa sa inukit na kahoy ang mga tradisyonal na maskara ng Indonesia. May kakanyahan ng sinaunang sining, mga detalyadong bahagi ng gawang pangsining, nagsasaad ng kakaibang kultura ng Indonesia mula sa pagtingin. Naniniwala ang mga Indonesian na ang sayaw na ito, na gumagamit ng mga maskara ay naglalaman ng malaking enerhiya. May malakas na personal na kulay at maaaring ganap na baguhin ang impresyon ng mga tao sa karakter. “Maskara”ang nagsasalita sa sayaw, hindi ang taong may suot ng maskara.
Sayaw ng Mabuti at Masama - Sayaw ng Barong
Sa tradisyonal na sayaw, gumagamit ang mananayaw ng maskarang kumakatawan sa tao, diyos, demonyo at mga maskarang napupuno ng kahulugan sa kultura. Pinakasikat na maskara sa sayaw ang Rangda at Barong ng Bali, Indonesia. Kumakatawan sa masama ang Rangda at kumakatawan sa mabuti ang Barong na may impluwensya sa isa’t isa, at nakikita ang pagkakaisa ng masama at mabuti sa buhay.
《Korea – Andong International Mask Dance Festival》
Hahoe Byeolshin Festival Mask Dance
Ang Hahoe Byeolshin Festival Mask Dance na may mahigit sa 800 taon na kasaysayan, ay isang natatanging komprehensibong anyo ng sining kung saan nagsusuot ang mga nagtatanghal ng maskara. Karamihan ng kanilang itinatanghal ay tungkol sa buhay ng mamamayan, pagsasaad ng damdamin at mga pagpupuna sa lipunan, nakatago sa likod ng maskara, nangungutya sa kawalan ng hustisya sa lipunan at mga katiwalian sa moral.
Nagsimula ang Hahoe Byeolshin Festival Mask Dance sa Hahoe, Lungsod ng Andong sa Korea noong 1997 nang itinaguyod ang Andong International Mask Dance Festival. Sa panahon ng pagdiriwang, makikita ang kanilang pagtatanghal at mga mask dance mula sa iba’t ibang bansa.
《Japan – Noh》
Natatanging sining sa entablado ng Japan
Pinagsama ang drama, tugtog at sayaw sa Noh, isang uring sining sa entabladong nagsusuot ng maskara at kakaiba sa Japan. May mahigit sa 600 taon na kasaysayan at may mataas na reputasyon sa internasyonal tulad ng Kabuki.
Sa Noh, ang bawat maskara ay kumakatawan sa isang tiyak na karakter, katulad ng kumakatawan sa iba’t ibang papel ng babae, mahiwagang nilalang, supernatural na element o diyos. Minsan, itinuturing itong isang pagpapakita ng mga diyos na nagdadala ng mahabang buhay at kasaganaan sa mga pamilya sa Japan.
《Italy - Carnevale Di Venezia》
Isa sa Tatlong Pinakamalaking Carnival sa Mundo
Kabilang sa tatlong pinakamalaking carnival sa mundo ang “Carnevale Di Venezia sa Italy”, “Carnival Rio de Janeiro sa Brazil” at ang “Nice Carnival sa France”at pinakakaiba rito ang (Carnevale Di Venezia).
Ayon sa alamat, ipinagdiwang ng Venice noong 1162 ang tagumpay nito laban sa Patriarch ng Aquileia, na matagal nang nakikipaglaban. Upang gunitain ang sandaling ito, ang mga tao ay nagsuot ng maskara at nagsagawa ng isang party sa St. Mark's Square, masayang nagsayawan at nagtipon-tipon, at naging opisyal na kaganapan noong panahon ng Renaissance.
Pagkaraan ng ika-17 siglo, sa panahon ng mga aktibidad sa karnabal ng Baroque, ang mga maharlika ay nagsusuot ng maskara tuwing nakikilahok sa mga pagdiriwang upang itago ang kanilang mga pagkakakilanlan, at hindi maapektuhan ng katayuan o trabaho ang kanilang mga kaluluwa at pag-iisip, at masiyahan sila sa pagdiriwang. Unti-unti, pinapalamutihan din ng mga tao ang kanilang sarili ng mga makukulay na maskara, kasuotan sa ulo at damit, upang pansamantalang makalimutan ng lahat ang kanilang posisyon at katayuan sa lipunan at tamasahin ang buhay at kaligayahan nang lubos.
《Hungary - Busójárás Mohács Busó-festival》
Maskarang Pula at may Balahibong Sungay
Sa katapusan ng Pebrero bawat taon, ginaganap ang Masskara Festival sa Lungsod ng Mohacs sa Hungary! Magsusuot ang madlang kalahok ng maskarang kulay pula at may pangil na may balahibo, may suot na jacket na balat ng kambing, may sinturon na may mga bell, maglalakad sa kalye at mananakot sa mga residente sa lugar o sa mga bisita.
Maaaring bumalik hanggang sa ika-16 siglo ang kasaysayan ng Busójárás Mohács Busó-festival. Ayon sa alamat, nang sinalakay ng Turkey ang Hungary, nagsitakas ang mga tao mula sa Mohacs at namuhay sa kalapit na lugar. Isang gabi, isang katutubo ang nagsabi: “Huwag matakot, malapit nang maging maayos ang buhay ninyo. Makakabalik na kayo sa sarili ninyong bahay.” Kaya nagsuot ng maskarang pula, may pangil na may balahibo, at damit na may balahibo ang mga taong Mohacs, tinakot ang mga tao sa Turkey, at pinalayas ang mga sumalakay na sundalo mula sa Turkey. Nagpapatuloy ang alamat hanggang ngayon. Ito na ang pagdiriwang ng mga tao sa Mohacs sa katapusan ng taglamig at simula ng pagsibol.
《Germany - Black Forest Carnival》
Nagsimula ang pagdaraos ng Black Forest Carnival sa Germany mula noong 1530. Ipinagdiriwang dito ang pagpapalayas sa mga masasamang espiritu. Inaakala ng mga residente na lumalabas ang iba’t ibang duwende at demonyo tuwing ginaganap ang carnival kaya magsusuot ang lahat ng maskarang nakakatakot at gagawa ng mga malalakas na ingay upang mapaalis ang demonyo at iba pang masasamang espiritu.
Bukod sa magsusuot ng mga kakaibang kasuotan, magsasayawan sa kalsada, magsisigaw ng 「Narri、Narro」(may kahulugang nanunukso at tanga), nakikipagbiruan sa mga tao habang naglalakad sa parada kaya kahit na nakakatakot ang hitsura, masaya at masigla ang lahat ng tao.
《Mexico – El Día de los Muertos》
Araw ng Pagdadasal para sa mga Patay
Babalik sa nakaraang ilang daan taon ang simula ng Araw ng mga Patay nang magbigay ng paalala ang mga Aztecs sa babaeng diyosang Mictēcacihuātl. Para sa kanila, tulad ng isang bilog lamang ang buhay at isang bahagi nito ang pagkamatay. Naroroon ang pagbalik-alaala sa mga kamag-anak o kaibigan na namatay at naririyan pa rin ang kanilang kaluluwa. Hindi magalang at walang respeto ang labis na hinagpis sa pagtatanda sa kanila.
Paggabay sa mga Kaluluwang Umuwi at Makilahok sa Pagtitipon
Sa Mexico, isang mahalagang pista ang Araw ng mga Patay. Ginaganap ang pagdiriwang Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, pareho sa All Saints’ Day (Nobyembre 1) at All Souls’ Day (Nobyembre 2) sa relihiyong Katoliko. Maglalagay ng dilaw na bulaklak ng marigold sa daan mula sa sementeryo hanggang sa bayan at magsisindi ng lantern sa pintuan ng bahay. Sa gabi ng Oktubre 31, ang mga mamamayan sa Mexico ay magdadala ng unan, pagkain at inumin para makasama ang mga yumaong kamag-anak o kaibigan sa sementeryo, magsisindi ng may kulay na kandila, maglalagay ng tinapay(Pan de muerto), mga gawain sa papel (Papel picado) at makulay na bungo upang palamutian ang puntod. Sa hatinggabi, tutunog ang mga dambana ng simbahan, magsisindi ng paputok at sa bango at liwanag ng mga marigold, sasalubungin ang mga kaluluwa at magkasamang uuwi para magsalo-salo.
Paper sculpture (Papel picado): Gamit ang makukulay na papel, maggugupit ng anyong bungo, isasabit o gawing bandila.
Tinapay ng patay (Pan de Muerto):Iniaalay ng mga Aztecs sa unang panahon ang puso ng tao. Tinutulan ng mga tao mula sa Europe ang ganitong kaugalian kaya napalitan ito ng paggamit ng tinapay.
Bulaklak na marigold (Flores de Muerto):Gabay sa pag-uwi ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng kulay at bango ng kulay kahel o dilaw na bulaklak ng marigold.
Matamis na bungo (calaveritas de az car): Mga bungong gawa sa asukal, may iba’t ibang kulay at hitsura, maaaring kainin o gawing palamuti, kadalasan may nakaukit na pangalan ng taong yumao.


![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
