﻿[
  {
    "DataSN": "3510672",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=5FFE194325A2DB21",
    "title": "Paano Sasali ang Bagong Imigrante sa Seminar na Pagpapalago sa Kabuhayan",
    "Nilalaman": "1. Proseso ng Aplikasyon: Ang bagong imigranteng nakarehistro ang tirahan o totoong nakatira sa Lungsod ng Taipei ay maaaring sumali sa seminar na pagpapalago ng kaalaman sa kabuhayan ng bagong imigrante na isinasagawa ng Kagawaran ng Civil Affairs sa Lungsod ng Taipei. Kabilang sa pag-aaral ang pagsasanay sa lokal na wika at ang wika ng kanyang sariling bansa, pagpapakilala sa kultura, kaugalian at kasanayan, pagpapayo sa pagtira at pagkuha ng residensya, pagkilala sa mga kapakanang panlipunan, kalusugan at paggagamot, trabaho, edukasyon at iba pa.2. Nagsasagawa ang 12 Opisina ng Distrito sa lungsod ng &ldquo;Pag-aaral at Paggabay sa Buhay ng Bagong Imigrante&rdquo; at iba pang mga aralin sa paghahanap ng trabaho at pagsimula ng negosyo tulad ng pag-aaral sa kompyuter, paggupit ng buhok, pangangalaga sa pasyente, pagluluto at iba pa. &nbsp; &nbsp;&nbsp;3. Kung may tanong, tumawag sa telepono: (02)27256065、 (02)23701046",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Information Office, Department of Civil Affairs, Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "3510673",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=0ABF7C0A25B958D0",
    "title": "Saan makakakuha ng impormasyon o pagkakataon sa trabaho? ",
    "Nilalaman": "A. Mga bagay na dapat bigyan ng pansin:(1) Maaaring tingnan ang mga pagkakataon sa trabaho sa website ng bawat Employment Services Station sa ilalim ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei.(2) Maaaring maghanap ng trabaho sa Taiwan Jobs ng Workforce Development Agency, Ministri ng Labor (https://www.taiwanjobs.gov.tw/)B. Telepono:(1) Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei (02)2308-5230(2) Taiwan Jobs 0800-777-888",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Household Registration Offices, Taipei City "
  },
  {
    "DataSN": "9311361",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E3BCFC90C6E897E4",
    "title": "Mayroon bang mapagtatanungan na boluntaryong abogado kapag may mga legal na tanong kaugnay sa manggagawa?",
    "Nilalaman": "Kapag may mga legal na tanong kaugnay sa manggagawa, ang Kawanihan ng Labor sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ay nagbibigay ng &ldquo;Serbisyong Pagpapayo ng Boluntaryong Abogado&rdquo;at nasasailalim ang ilang impormasyon:1.Sentro ng Karapatan ng Manggagawa (6F, No. 101 Bangka Blvd., Distrito ng Wanhua): bawat Lunes hanggang Biyernes 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay (Lunes &ndash; Biyernes maaaring gumawa ng appointment sa&nbsp;https://ap.bola.taipei/)2.Beitou Employment Services Station (5F, No. 30 Xinshi St., Distrito ng Beitou): bawat Miyerkoles 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay3.Nangang Dongmin Employment Services Station (2F, No. 19, Lane 60, Sec. 2, Nangang Road, Distrito ng Nangang): bawat Miyerkoles 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay4.Xinyi Employment Services Station (8F, No.86 Futeh St., Distrito ng Xinyi): bawat Miyerkoles at Biyernes 9:00-12:00 umaga pumila at maghintay5.Maaaring tumawag sa 1999 (02-27208889 kapag tumatawag mula sa ibang county o lungsod) ext.7019 (may hangganang 10 minuto sa bawat tawag): bawat Lunes hanggang Biyernes 2:00-5:00 hapon (magkasamang isinasagawa ng Taipei Bar Association, Keelung Bar Association at Taipei Legal Aid Foundation).Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Manggagawa sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9289357",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=1D3EB466060CE1D6",
    "title": "Paggabay sa Pagsimula ng Negosyo",
    "Nilalaman": "A. Layunin ng paggabay sa pagsimula sa negosyo: Isinasagawa ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang paggabay sa pagsimula ng negosyo upang matulungan ang publikong may pangangailangan sa pag-iiba ng trabaho o pagsimula ng negosyo, nagpaplano at nagsasagawa ng mga may kaugnayang pagsasaliksik at pag-aaral upang maabot ng mag-aaral na nangangailangan ng perang pangpuhunan ang kwalipikasyong makapaghiram ng pera mula sa pamahalaan. Para sa publikong may pangarap na magsimula ng negosyo o nakapagsimula na ng negosyo, nagbibigay ng serbisyong one-on-one na pagpapayo sa pagtaguyod ng negosyo upang magtamo ng kaalaman at kakayanan, mapatupad ang pangarap at madagdagan ang kakayanan sa pagpapatakbo ng negosyo.B. Paraan sa pagsasagawa ng paggabay sa pagsimula sa negosyo:&nbsp;(1) Pag-aaral sa Pagsimula ng Negosyo: Para sa publikong may nais na magsimula o nakapagsimula na ng negosyo, inimbitahan ang propesyonal na tagapaglektura magturo ng paghahanda sa negosyo, pamamahala sa trabaho sa loob ng tindahan, mga tuntunin sa buwis at industriya, paghahanda ng puhunan, pagsusulat ng plano at iba pang mga paksa. Magbibigay ng sertipiko ng pagdalo ang mag-aaral na makikilahok sa 18 oras ng pag-aaral at maaaring gamitin sa pag-apply ng utang para sa negosyo sa kaugnay na opisina o ahensya.(2) Pagtatanong at pagpapayo sa pagsimula sa negosyo: Nagbibigay ng isa hanggang tatlong oras na serbisyong one-on-one pagtatanong at pagpapayo sa mga nakakaranas ng suliranin sa negosyo.&nbsp;(3) Mga espesyal na lektura sa pagsimula ng negosyo: Upang maging masagana ang nilalaman ng pag-aaral sa pagsimula ng negosyo, inimbitahan ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang propesyonal na tagapaglektura o mga nagtagumpay sa pagtaguyod ng negosyo, ibahagi ang kanilang paraan sa pagtinda o marketing, magbigay ng aralin sa industriyang pangkultura at paglilikha, paano pahusayin ang pagtitinda, pamamahala sa salapi at iba pang aralin, nang madagdagan ang kaalaman at kakayahan sa negosyo, at madagdagan ang pagkakataong magtagumpay sa negosyo.Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei, Pangalan ng mga kurso at lektura sa pagsimula sa negosyo sa buong taon, balangkas ng kurso, petsa at paraan ng rehistrasyon, sumangguni sa [link].",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9176396",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=53D659CBD0D84BA5",
    "title": "Ano ang tuntunin sa Occupational Safety and Health Act Art. 6-2.3: “Upang maiwasan ang maling pisikal o mental na pinsala dulot ng aksyon ng ibang tao, sa panahon ng pagpapatupad ng tungkulin sa trabaho”? ",
    "Nilalaman": "Kamakailan, nagkaroon ng maraming insidenteng karahasan sa lugar ng trabaho sa industriyang pangserbisyo na kinababahalaan ng publiko. Para sa mga ilegal na paglabag, maaaring magsampa ang manggagawa ng reklamo alinsunod sa Artikulo 39 ng Occupational Safety and Health Act upang kumpirmahin kung gumawa ng anumang hakbang ang amo alinsunod sa kaugnay na pag-iingat. Ukol sa nagawang paglabag sa batas (tulad ng pananakit, sekswal na panliligalig at iba pa), dapat ituring na paglabag sa batas (Criminal Code, Sexual Harassment Prevention Act .. at iba pa), at ibigay sa mga legal na awtoridad upang maimbestigahan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9176395",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=437E9CC70C9A04B3",
    "title": "Sino ang nangangasiwa sa pagpapayo sa pagsimula ng negosyo ng bagong imigrante?",
    "Nilalaman": "Ang Deparmento ng Economic Development 「StartUP@Taipei」(matatagpuan sa 2F, North Wing ng Taipei City Hall) ay nagbibigay ng serbisyong pagpapayo at paggabay sa pagsimula ng negosyo. Sakop dito ang: may discount na pagpapautang, bonus at subsidiya, pagsasanay at pag-aaral, magkasamang nagtratrabaho sa isang lugar at suporta sa resources. Ikinagagalak na maaari itong gamitin ng bagong imigrante. Kapag may tanong kaugnay sa pagsisimula ng negosyo, maaaring tumawag sa 02-27208889 ext. 1431 o 6498. Maaaring tingnan din ang https://www.startup.taipei, makakatulong sa bagong imigrante sa pagkolekta ng impormasyon at resources kaugnay sa pagsimula ng negosyo.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173042",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=44986449D9A81935",
    "title": "Anong uri ng pinsala sa trabaho ang dapat i-report? Ano ang mga kaugnay na tuntunin?",
    "Nilalaman": "Dapat i-report ng amo sa ahensya ng labor inspection (Labor Inspection Office sa Lungsod ng Taipei) sa loob ng 8 oras kapag may pangyayaring isa sa mga sumusunod sa lugar ng trabaho:(1) Sakunang may namatay(2) Sakunang may 3 at higit pang taong nasaktan(3) Sakunang may 1 at higit pang taong kailangang ma-confine sa pagamutan(4) Iba pang sakuna na itinakda sa anunsyo ng sentral na karampatang awtoridad (pagkatapon o pagtulo ng kemikal tulad ng ammonia, chlorine, hydrogen cyanide, phosgene, hydrogen sulfide, sulfur dioxide, nagdulot ng 1 at higit pang taong kailangang ma-confine sa pagamutan). Ang lumabag nito ay maaaring pagmultahan ng $30,000-300,000.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173041",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=303C2FFCD524C770",
    "title": "Ano ang gagawin kapag may nangyaring malubhang pinsala sa lugar ng trabaho?",
    "Nilalaman": "Kapag may nangyaring malubhang pinsala sa lugar ng trabaho:Batay sa batas, kapag may pangyayaring namatay ang 1 manggagawa sa lugar ng trabaho, o 3 o mahigit pang taong magkasabay na nasugatan, o may 1 o higit pang taong nasugatan at kailangang i-confine sa ospital, dapat i-report ang insidente sa Labor Inspection Office sa Lungsod ng Taipei sa loob ng 8 oras (Report Hotline: 0910922707、02-23086100). Ibigay ang pangalan ng taong nagrereport, telepono, pangalan ng kumpanya, lugar ng pangyayari ng pinsala, pangalan ng mga biktima, kalagayan ng pinsalang nangyari, telepono ng superbisor o namamahalang naroroon sa lugar.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173040",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=A0EE5B59FFE77F04",
    "title": "Ano ang gagawin kapag natuklasang hindi nagawang mabuti ang proteksyon at kaligtasan sa lugar ng konstruksyon, nanganganib ang kaligtasan ng manggagawa o maaaring magdulot ng panganib sa publiko?",
    "Nilalaman": "Mag-report sa Labor Inspection Office sa Lungsod ng Taipei (TEL:2308-6101), ibigay ang pangalan at lugar ng konstruksyon, at mga katotohanan sa panganib upang makatulong sa pag-assign ng taong gagawa ng inspeksyon.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173038",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=5274A4FBA9AEDEDB",
    "title": "Ano ang pamantayan ng Occupational Safety and Health Act sa manggagawang nagtrabaho sa labas sa araw na may bagyo?",
    "Nilalaman": "A. Sa pagtuon ng Occupational and Safety Act sa may relasyon na manggagawa at amo at nagtratrabaho sa labas sa araw na may bagyo, dapat sumunod ang amo sa mga sumusunod na tuntunin:1. Ang amo ay dapat gumawa ng ebalwasyon ng panganib sa lugar ng trabaho o gawain sa trabaho, magtakda ng mekanismo ng pagtatasa ng kaligtasan, proseso at mga kaugnay na form. Kapag inaakala o nakikitang may panganib batay sa mga ulat sa media, dapat itigil ang trabaho sa labas. Kung nagpasya ang amo na ipagpatuloy ng manggagawa ang trabaho, dapat gumawa ang amo ng mga hakbang sa proteksyon at kaligtasan, italaga sa pagsusulat ang pag-assign sa trabaho ng amo o superbisor at itago ang rekord para sa sanggunian sa hinaharap.2. Pinagtrabaho ng amo ang manggagawa sa labas sa lugar kung saan gumawa na ang pamahalaan ng anunsyo ng pagtigil ng trabaho sa araw ng bagyo, may panganib na magdulot ng pinsala sa manggagawa, kailangan tingnan ang katangian ng panganib sa trabaho, maghanda ng naaangkop na life vest, safety helmet, kagamitan sa komunikasyon at iba pang kinakailangan na kagamitan at transportasyon sa proteksyon at kaligtasan.B. Sa bahaging serbisyong paghahatid na walang relasyon na amo at manggagawa, kailangang ipaalam agad ng operator sa mga tauhan sa delivery na itigil ang serbisyong paghahatid sa panahong pagtigil ng trabaho sa abisong ibinigay ng lokal na pamahalaan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173036",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=A1FB082D261F9457",
    "title": "Ano ang gagawin kapag natuklasan ng amo o ng manggagawa ang pagkakaroon ng panganib sa oras ng pagpapatupad ng trabaho?",
    "Nilalaman": "Kapag nagkaroon ng agarang panganib sa lugar ng trabaho, dapat ipatigil agad ng amo o ng taong namamahala ang paggawa ng trabaho at lumisan ang mga manggagawa sa ligtas na lugar. Kapag natuklasan ng manggagawa ang agarang panganib sa lugar ng trabaho, dapat sariling itigil ang trabaho at lumisan sa ligtas na lugar nang hindi nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng iba pang mga manggagawa at agarang i-report agad sa superbisor sa trabaho.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173035",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=F995B0AB0EE5F260",
    "title": "Kapag nakaranas ng bullying sa pagpapatupad ng trabaho, ano ang mga hakbang na dapat gawin ng amo? Ano ang parusa?",
    "Nilalaman": "Kapag pinaghinalaang naging biktima ng bullying ang manggagawa sa lugar ng trabaho, ngunit hindi magawan ng totoong pagkilanlan ang biktima ng mga awtoridad, dapat atasan ang amo na bumatay sa katangian ng lugar ng trabaho at panganib, sumangguni sa mga alituntunin na inihayag ng sentral na karampatang awtoridad, magtakda ng plano sa pag-iwas ng hindi tamang paglabag sa pagpapatupad ng trabaho. Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pag-iwas at mag-iwan ng talaan ng pagpapatupad:1. Kilalanin at gumawa ng ebalwasyon sa panganib.2. Gumawa ng naaangkop na pagsasaayos sa lugar ng trabaho.3. Batay sa trabaho, gumawa ng naaangkop na wastong pag-assign ng tauhan sa trabaho.4. Itaguyod ang pamantayan ng pag-uugali.5. Magsagawa ng training sa pag-iwas sa sakuna at paraan sa pakikipag-usap.6. Magtatag ng paraang gagawin sa pag-aayos ng pangyayari.7. Gawin ang ebalwasyon ng bisa ng pagpapatupad at gawin ang pagbabago at pagpapahusay.8. Mga iba pang bagay kaugnay sa kaligtasan at kalusugan. Magbibigay ng abiso sa may paglabag upang gumawa ng pagbabago. Kapag hindi nagawa ang pagbabago sa loob ng tinakdang panahon, mapapatawan ang amo ng multang NT$30,000 hanggang NT$150,000.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173034",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=406327C011AE132D",
    "title": "Ano ang tuntunin ng Pamamahala ng mga Operator ng Serbisyong Delivery sa Lungsod ng Taipei sa panahong may bagyo?",
    "Nilalaman": "Kailangang ipaalam agad ng operator sa mga tauhan sa delivery na itigil ang serbisyong paghahatid sa panahong pagtigil ng trabaho sa abisong ibinigay ng lokal na pamahalaan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9173033",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=C477EA7B7485B5C8",
    "title": "Kapag natuklasan ng manggagawa ang pinaghihinalaang sakit mula sa trabaho, o pang-aabuso sa katawan o sa isipan, kanino maaaring magsabi? ",
    "Nilalaman": "Ang manggagawa ay maaaring magreklamo sa amo, sa namamahalang awtoridad o sa ahensya ng labor inspection.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172656",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E5864B596EADED82",
    "title": "Ano ang halaga ng perang benepisyo sa pinsala sa trabaho ng manggagawa sa Lungsod ng Taipei?",
    "Nilalaman": "Sumusunod ang standard sa pagbigay ng perang benepisyo:1. Sa namatay: NT$300,0002. Nawalan ng kakayahan sa Antas 3 hanggang Antas 1: NT$200,0003. Nawalan ng kakayahan sa Antas 5 hanggang Antas 4: NT$100,0004. Sa nawalan ng kakayahan sa Antas 5 hanggang Antas 1 dahil sa sakit&nbsp;na nagmula sa trabaho: may karagdagang NT$50,000.5. Sa manggagawa o taong kumakatawan sa manggagawa may pagkilanlan na&nbsp;low-income household o medium low-income household, may karagdagang&nbsp;NT$50,000.Kapag umaangkop ang manggagawa sa kondisyon ng pagbigay ng perang konsolasyon sa Lungsod ng Taipei at sa lugar ng rehistrasyon ng tirahan, dapat ikaltas ng Kagawaran ng Manggagawa ang halaga ng perang konsolasyon na itinakda ng lugar ng rehistrasyon, hindi alintana kung ang manggagawa o ang kumakatawan sa manggagawa ay nag-apply sa rehistradong tirahan ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172655",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E5CFBAB554C36A5E",
    "title": "Ano ang mga dokumentong dapat ihanda sa pag-apply ng perang benepisyo sa pinsala sa trabaho ng manggagawa sa Lungsod ng Taipei?",
    "Nilalaman": "A. Dapat ihanda ang mga sumusunod:1. Aplikasyon form.2. Transcript ng household rehistrasyon sa loob ng 3 buwan.3. Impormasyon ng taong insured sa labor insurance, katibayan ng pag-insure sa labor insurance o katibayan ng pagkilanlan ng manggagawa: kapag hindi rehistrado bilang manggagawa sa Taiwan, ilakip ang pasaporte at permit sa trabaho.4. Katibayan ng pinsala sa trabaho mula sa opisina ng trabaho o iba pang dokumentong sapat na makakapagpatunay ng pinsala sa trabaho.5. Sulat ng pag-apruba sa subsidiya sa kawalan ng kakayahan sa pinsala sa trabaho mula sa Kagawaran ng Labor Insurance, Ministri ng Labor o katibayan ng kapansanan mula sa pagamutan na may kasunduan sa National Health Insurance.6. Affidavit ng hindi pag-ulit na pag-apply.B. Bukod sa nabanggit na dokumento sa 1 - 4 at 6 sa itaas, dapat ilakip ng taong kumakatawan sa manggagawa ang sertipiko ng pagkamatay ng manggagawa at ang dokumento sa pagkilanlan ng taong kumakatawan.C. Ang mga dokumentong kalakip sa pagkilanlan ng taong kumakatawan sa manggagawa at walang rehistrasyon ng tirahan sa Taiwan ay dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa mga sumusunod na opisina:1. Kapag nagmula sa ibang bansa, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa embahada, opisinang kumakatawan, consulate office ng Taiwan o iba pang opisinang may awtoridad mula sa Ministri ng Foreign Affairs sa Taiwan; kapag nagmula sa embahada ng ibang bansa o opisinang nabigyan ng awtoridad na nakatalaga rito sa Taiwan, dapat muling mapatunayan ng Ministri ng Foreign Affairs.2. Kapag nagmula sa Tsina, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa&nbsp;opisinang itinatag ng Administrative Yuan o ahensyang itinukoy o ipinagkatiwalaang grupong sambayanan.3. Kapag nagmula sa Hongkong o Macau, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa opisinang itinatag ng Administrative Yuan sa Hongkong o Macau o ahensyang itinukoy o ipinagkatiwalaang grupong sambayanan. Kapag ang dokumento ay nakasulat sa banyagang wika, dapat ilakip ang kopyang isinalin sa wikang Chinese ng bawat dokumentong may beripikasyon o napatunayang kopya ng pampublikong notaryo sa Taiwan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172654",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=A0DC2AEBCFC3FEB0",
    "title": "Paano mag-apply ng perang benepisyo sa pinsala sa trabaho ng manggagawa sa Lungsod ng Taipei?",
    "Nilalaman": "Dapat mag-apply ang manggagawa o taong kumakatawan sa manggagawa sa Kagawaran ng Manggagawa sa Lungsod ng Taipei sa paraang pagsusulat ng perang benepisyo sa pinsala sa trabaho na nagdulot ng kawalan ng kakayahan o pagkamatay ng manggagawa o kawalan ng kakayahan dahil sa sakit na nagmula sa trabaho. Dapat i-apply sa loob ng 1 taon mula kilalanin ang pagkawala ng kakayahan o mula sa araw ng pagkamatay ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172651",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=6D6BE623B59BAEAC",
    "title": "Ano ang dapat gawin kapag may kakaibang resulta sa pagsusuri sa kalusugan ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "Kapag may natuklasang kakaibang kalagayan sa resulta ng pagsusuri sa kalusugan, dapat bigyan ng kalusugang paggabay ng tauhang mediko. Kapag natapos ang ebalwasyon ng doctor at hindi nababagay sa trabaho, dapat sundin ng amo ang mungkahi ng doctor, ibahin ang lugar ng trabaho ng manggagawa, palitan ang trabaho o iksian ang oras ng trabaho, at ipatupad ang mga hakbang sa pamamahala sa kalusugan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172650",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=6F5F68BD5E8D3509",
    "title": "Maaari bang tumanggi ang manggagawa sa paggawa ng pagsusuri sa kalusugan?",
    "Nilalaman": "May obligasyon na tanggapin ng manggagawa ang pagsusuri sa kalusugan na ibinibigay ng amo kaya hindi maaaring tumanggi. Magbibigay ang namamahala ng pagdisiplina sa paglabag ng manggagawa sa tuntunin ng kumpanya kapag tumanggi ang manggagawa sa legal probisyon sa pagsusuri ng kalusugan.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172648",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=23F9B7BEE3C93259",
    "title": "Aling ospital ang nagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "Kailangang may abisong maaaring magsagawa ng pagsusuri sa kalusugan mula sa Ministri ng Manggagawa at Kagawaran ng Kalusugan at Kapakanan ang pagamutan o klinika na nagpapatupad ng pagsusuri sa kalusugan ng mga manggagawa. Maaaring tingnan sa (https://hrpts.osha.gov.tw/asshp/hrpm1055.aspx) at alamin ang mga pagamutan o klinika na maaaring magsagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172647",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=651C670AB7D1767B",
    "title": "Paano i-report ang pamamahala sa magkakaibang antas ng pagsusuri sa kalusugan ng manggagawang nasa trabahong may kakaibang pinsala sa kalusugan?",
    "Nilalaman": "Ang pamamahala ng amo sa kalusugan ng manggagawang nasa pangatlo at higit pang antas, dapat kumuha ng espesyalistang manggagamot na magpatupad ng pagsusubaybay at pagsusuri. Kapag kinakailangan, dapat gumawa ng ebalwasyon sa mga sakit na pinaghihinalaang may kaugnayan sa trabaho. Gumawa ng panibagong pag-aantas sa resulta ng ebalwasyon at tapusin ang pagreport sa loob ng 30 araw matapos gawin ang pagsusuring pagsubaybay sa kalusugan. Pumunta sa website ng Occupational Safety and Health Administration, Ministri ng Manggagawa （http://www.osha.gov.tw/）at punan ang impormasyon sa online na pag-report upang mapaghandaang imbestigahin ng opisina ng labor inspection.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172644",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=06A68F3D7D7BBEF0",
    "title": "Sino ang dapat magpasan ng gastusin sa pagsusuri ng kalusugan ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "1. Walang nakatakdang tuntunin kung manggagawa o amo ang magpapasan sa gastusin sa pagsusuri ng pangangatawan bago magsimula sa trabaho ang bagong empleyado, kaya dapat pagkasunduan ng dalawang panig.2. Dapat ipasan ng amo ang gastusin sa pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan at ng pagsusuri sa kalusugan sa kakaibang trabaho ng manggagawang nagtratrabaho. Obligasyon ng manggagawa ang tanggapin ito at sa prinsipyo, dapat magbigay ang amo ng opisyal na pagliban sa trabaho upang makapagpasuri ang manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172643",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=2A07880D77F2A2A9",
    "title": "Ano ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsusuri sa kalusugan ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "(A) Pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan:1. Ang bagong pasok na manggagawa ay dapat gumawa ng &ldquo;pangkaraniwang pagsusuri sa pangangatawan&rdquo;bago magsimula sa trabaho. Maaaring pag-usapan ng amo at ng manggagawa kung sino sa kanila ang magbabayad sa gastos sa pagsusuri. Ang manggagawang nagtratrabaho ay dapat gumawa ng &ldquo;pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan&rdquo;at dapat ipasan ng amo ang gastos sa pagsusuri. Ang tuntunin sa Occupational Safety and&nbsp;Health Act Art. 20, dapat ipatupad ng amo ang pagsusuri sa kalusugan ng manggagawang nagtratrabaho at ang manggagawa ay may obligasyon na tanggapin ito. Sa prinsipyo, dapat magbigay ang amo ng opisyal na&nbsp;pagliban sa trabaho upang makapagpasuri ang manggagawa.2. Dapat ipatupad ang pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan: 65 taon gulang at higit pa, 1 beses bawat taon; 40-64 taon gulang, 1 beses bawat 3 taon; wala pang 40 taon gulang, 1 beses bawat 5 taon.(B) Kakaibang pagsusuri sa kalusugan: Sa mga manggagawang nasa trabahong may kakaibang kapaligiran, dapat ipatupad ng amo ang pagsusuri sa kalusugan at kakaibang panganib sa mga manggagawa bawat taon at dapat ipasan ng amo ang gastusin sa pagsusuri.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9172642",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=6869B686987D1FD1",
    "title": "Anong uri ng industriya na dapat isagawa ng amo ang pagsusuri sa kalusugan ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "Bukod sa probisyon na itinalaga alinsunod sa Occupational Safety Law Artikulo 4, dapat isagawa ng amo ang pisikal eksaminasyon at pagsusuri sa kalusugan alinsunod sa itinakdang mga regulasyon sa pangangalaga ng kalusugan ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168356",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=439CEE28E513895F",
    "title": "Sa pangyayaring may natural na sakuna (tulad ng bagyo), sa ilalim ng anong kondisyon na maaaring hindi pumunta sa trabaho ang manggagawa?",
    "Nilalaman": "Batay sa tuntunin ng &ldquo;Pamamahala sa Pagpasok sa Trabaho at Sahod ng Manggagawa sa Pangyayaring Natural na Sakuna&rdquo;ng Kagawaran ng Manggagawa, maaaring hindi pumunta sa trabaho ang manggagawa kapag nangyari ang natural na sakuna, at alinmang isa sa &ldquo;lugar ng trabaho&rdquo;, &ldquo;lugar ng tirahan&rdquo;o &ldquo;lugar na dinadaanan sa pagpasok sa trabaho&rdquo;ang gumawa ng anunsyong pagtigil ng trabaho o kapag walang anunsyo sa pagtigil ng trabaho sa lugar ng trabaho ngunit dahil may sagabal sa transportasyon dulot ng natural na sakuna, naging sanhi ng pagka-late o hindi pagpasok sa trabaho.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168355",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=06B9AB5473141019",
    "title": "Maaari bang itigil ang kontrata sa panahon ng sakuna sa trabaho?",
    "Nilalaman": "Hindi maaari. Batay sa tuntunin ng Labor Standards Act, hindi maaaring pasyahan ng amo nang mag-isa ang pagtapos ng kontrata sa panahon ng sakuna ng manggagawa sa trabaho.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168353",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=6C0346B5914B56D1",
    "title": "Kapag may anunsyo mula sa awtoridad na walang pasok sa trabaho tuwing bagyo, paano ang pamamahala sa manggagawa at sa kanilang sahod?",
    "Nilalaman": "Kapag hindi pumasok sa trabaho ang manggagawa dahil may isang lugar (kanyang tirahan, lugar na dinadaanan pagpasok sa trabaho o lugar ng trabaho) ang may anunsyong pagtigil ng trabaho, ang amo ay hindi maaaring gumawa ng anumang hindi pabor sa manggagawa, kabilang ang sapilitang pagpalit ng special leave o iba pang leave, o itukoy na absence without leave, late, bawasan ang full attendance bonus, papasukan sa ibang araw, tanggalin sa trabaho at iba pa. Kapag ang manggagawa ay hindi pumasok sa napagkasunduang araw ng trabaho dahil sa natural na kalamidad, maaaring pag-usapan ng amo at ng manggagawa kung may sahod sa araw na iyon o hindi. Maipapayong huwag ipagkait ang sahod.Kapag inaakala ng amo na dahil sa pangangailangan ng gawain, nais niyang dumating sa trabaho ang manggagawa, kailangang tanungin ang manggagawa kung papayag o hindi. Bukod sa sahod na dapat ibigay ng amo sa araw na iyon, makabubuting dagdagan ang sahod at magbigay ng naaangkop na mga hakbang ng proteksyon upang mapanatili ang kaligtasan ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168352",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E60CF48CF8F1858F",
    "title": "Ang pagbilang ng separation pay (severance pay) ay batay sa average na sahod sa nakaraang 6 na buwan bago umalis sa trabaho. Kapag may araw ng pagliban sa nakaraang 6 na buwan, dapat bang hindi ito isama sa pagkalkula ng average na sahod?",
    "Nilalaman": "Maaaring isama ang pagliban sa pagbilang ng average na sahod.Sanggunian: Panuntunan sa Pagpapatupad ng Labor Standards Act Art. 2",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168351",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=5536BB9F54145F72",
    "title": "Anong leave ang gagamitin sa pagpapagamot sa panahong kinikilala ang sakuna sa trabaho ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "Sa panahong kinikilala ang sakuna sa trabaho, maaaring gamitin ng manggagawa ang pangkaraniwang sick leave ayon sa Pagliban ng Manggagawa sa Trabaho Art. 4. Kapag napuno na ang bilang ng araw ng pangkaraniwang sick leave, dapat isagawa ng amo ang pagsuspinde ng trabaho na walang sahod. Gamitin ang sick leave dahil sa pagkasugat o pinsala sa trabaho matapos makumpirma ang sakuna sa trabaho.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168350",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=70D979017B389D0C",
    "title": "Paano mag-apply ng pangkaraniwang sick leave (dahil sa sakit / sugat)? Paano ang pagbayad ng sahod sa panahong may sakit?",
    "Nilalaman": "1. Pagliban ng Manggagawa sa Trabaho Art. 4-1:(1) Hindi na-confine sa ospital, hindi maaaring humigit sa total na 30 araw sa loob ng 1 taon.(2) Na-confine sa ospital, hindi maaaring humigit sa total na 1 taon sa loob ng 2 taon.(3) (1) at (2) sa itaas, hindi maaaring humigit sa total na 1 taon sa loob ng 2 taon.(4) Ang panahon ng pagpapagamot sa pasyenteng may kanser (kabilang ang carcinoma in situ) pagkatapos suriin ng doktor o panahon ng pagpapahinga na kinakailangan ng nagdadalantao, ay masasama sa bilang ng na-confine sa ospital.2. Pagliban ng Manggagawa sa Trabaho Art. 4-3: Sa bahaging pangkaraniwang sick leave na hindi humigit sa 30 araw sa loob ng 1 taon, ihinahati ang pagbigay ng sahod. Kapag hindi umabot sa kalahati ng sahod ang natanggap mula sa labor insurance, ang amo ang magpupuno nito.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168349",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=C48A7A065E240376",
    "title": "Maaari bang gumamit ng Line o ibang app ang manggagawa sa pagpapaalam ng pagliban o pagpahinga sa trabaho?",
    "Nilalaman": "Kapag nagpahinga sa trabaho ang manggagawa at nagpaalam sa app sa amo ng dahilan at bilang ng araw ng pagliban sa trabaho, dapat pa rin isagawa ang pag-apply ng pagliban nang ayon sa tuntunin sa trabaho o sa kontrata sa panahong natapos ang pagliban.Ang probisyon sa Art. 10 ng Regulasyon sa Pagliban ng Manggagawa: &ldquo;Kapag magliliban sa trabaho ang manggagawa, kailangang agahan ang pagsabi ng dahilan at bilang ng araw ng pagliban sa trabaho sa paraang bokal na pagpapaalam o sa pagsulat. Sa pangyayaring nagkasakit o emerhensya, maaaring ipakiusap sa ibang tao ang pag-apply ng pagliban. Maaaring hingin ng amo sa manggagawa ang pagbigay ng kaugnay na dokumentong pagpapatunay.&rdquo;Batay sa Labor Standards Act Art. 70, kapag may 30 tao o higit pang empleyado ang amo, dapat magtakda ng tuntunin sa pagliban sa trabaho ayon sa katangian ng negosyo, at ipaalam sa lahat matapos maaprubahan. Sa Art. 7 ng Panuntunan sa Pagpapatupad nito, dapat pagkasunduan ang pagliban at iba pang kaugnay na bagay sa kontrata sa trabaho. At kapag may sapat na dahilan para sa pagliban ang manggagawa, dapat pahintulutan ng amo ang pahinga nang ayon sa batas.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168347",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=4247C73E659D16E8",
    "title": "Anong uri ng industriya na dapat magsagawa ang amo ng pagsusuri sa kalusugan ng mga manggagawa? ",
    "Nilalaman": "Bukod sa probisyon ng Occupational Safety Law na itinalaga alinsunod sa Artikulo 4, dapat isagawa ng amo ang pisikal eksaminasyon at pagsusuri sa kalusugan alinsunod sa itinakdang mga regulasyon sa pangangalaga ng kalusugan ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168346",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=ECC23E81D6BD6D78",
    "title": "Kailan dapat ibigay ang sahod para sa araw ng pahinga?",
    "Nilalaman": "1. Kapag pumasok sa trabaho ang manggagawa sa nakatakdang opisyal na araw ng pahinga nang ayon sa Labor Standards Act (tulad ng apat na araw ng pahinga tuwing Chinese New Year), dapat doblehin ng amo ang sahod, bukod kung napagkasunduan at pumapayag ang manggagawa at ang amo na ipalit sa ibang araw ng trabaho. Dapat isabay ang pagbigay nitong halaga ng sahod sa takdang araw ng pasahod upang hindi maapektuhan ang pamumuhay ng manggagawa.2. Kapag nahuli sa araw o kulang ang sahod na ibinigay ng amo sa manggagawa, napinsala ang karapatan ng manggagawa at nasa Lungsod ng Taipei ang lugar ng trabaho, maaaring mag-report sa Kagawaran ng Manggagawa sa hotline 1999 (telepono: 02-23026355; 1999 web address:https://1999.gov.taipei/Front/main). Kusang gagawa ng inspeksyon upang mapangalagaan ang karapatan ng manggagawa.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168339",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=C4ABB77049A1605C",
    "title": "Paano magbilang ng average na sahod? Paano bilangin kapag wala pang 6 na buwan sa trabaho?",
    "Nilalaman": "1. Average na sahod bawat araw: Tumutukoy sa halagang makukuha pagkatapos ihati ang kabuuang halaga ng sahod sa nakaraang 6 na buwan bago maganap ang dahilan para sa pagkalkula sa kabuuang bilang ng araw sa nasabing panahon. Para sa trabahong hindi pa umaabot sa 6 na buwan, tumutukoy sa halagang makukuha pagkatapos ihati ang kabuuang halaga ng sahod sa buong panahon ng trabaho sa kabuuang bilang ng araw sa panahon ng trabaho.2. Average na sahod bawat buwan: Ihati ang kabuuang halaga ng sahod sa nakaraang 6 na buwan bago maganap ang dahilan para sa pagkalkula sa 6; o imultiplika ang average na sahod bawat araw sa average na bilang ng araw sa isang buwan sa panahon na kinakalkula.3. Halimbawa: Manggagawa A nagtrabaho nang wala pang 6 na buwan, nagtrabaho mula Enero 1 hanggang Mayo 10, 2019 (batay sa tuntunin ng Labor Standards Act Art.2-1, hindi kasama sa pagkalkula ang mismong araw na naganap ang dahilan para sa pagkalkula):(a) Average na sahod bawat araw: Ihati (i-divide) ang kabuuang halaga ng sahod mula Enero 1 hanggang Mayo 9 sa kabuuang bilang ng araw sa 4 na buwan at 9 araw (31+28+31+30+9 na araw).(b) Average na sahod bawat buwan: Ang average na bilang ng araw sa isang buwan mula Enero 1 hanggang Mayo 9 ay (31+28+31+30+31)/5=30.2 araw kaya ang average na sahod ni Manggagawa A sa bawat buwan ay (average na sahod sa bawat araw) x 30.2 araw.Telepono: 1999 (tumawag sa 02-27208889 kapag tumawag mula sa ibang lugar maliban sa Lungsod ng Taipei) ext. 7015-7018、3325、3327、3349.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9168338",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=54999F44BEE72E47",
    "title": "Mayroon bang kaugnay na pamantayan na maaaring pagsanggunian at sundin sa mga suliranin sa pamamahala sa pagpasok ng manggagawa sa trabaho at babayarang sahod sa pangyayaring natural na kalamidad (tulad ng bagyo)?",
    "Nilalaman": "Sa mga lugar ng trabaho na nababagay gamitin ang Labor Standards Act, ang pagpasok sa trabaho sa araw ng bagyo at kaugnay na tuntunin sa pagbigay ng sahod ay dapat ibatay sa anunsyo ng Kagawaran ng Manggagawa - &ldquo;Pamamahala at sahod sa manggagawang pumasok sa trabaho sa pangyayaring natural na kalamidad&rdquo;.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9164788",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E1066C599483AADC",
    "title": "Ano ang legal na bisa ng pagtatag ng kasunduan sa mediation?",
    "Nilalaman": "Ang pagtatag ng kasunduan sa hindi pagkakaunawaan ng amo at manggagawa ay itinuturing na kontrata sa pagitan ng dalawang partidong kaugnay sa hindi pagkakaunawaan. Kapag ang isang partido ay samahan ng manggagawa, itinuturing itong samahang kasunduan ng mga partido. (Act for Settlement of Labor-Management Disputes Art. 23).",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9164783",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=E8C62E011BFC075E",
    "title": "Paano mag-apply mula sa Kagawaran ng Manggagawa sa Lungsod ng Taipei ng pakikipagsundo o arbitrasyon sa hindi pagkakaunawaan ng amo at ng manggagawa?",
    "Nilalaman": "1. Mag-apply on the spot: Pumunta at punan ang aplikasyon form sa Sentro ng Karapatang Manggagawa (6F, No. 101 Bangka Blvd., Distrito ng Wanhua) o sa Joint Services Center sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei (1F North Wing, No. 1 Shi-fu Road, Distrito ng Xinyi, Lungsod ng Taipei) Counter 35 at 36.&nbsp;2. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa koreo:(1) Pakikipagsunduan (Mediation): Isulat ng aplikante ang pangalan, telepono at address ng parehong amo at ng manggagawa, ang pangyayari at mga bagay na hinihiling. Ipadala sa Kagawaran ng Manggagawa (5F, North East Wing, No. 1 Shi-fu Road, Distrito ng Xinyi, Lungsod ng Taipei 11008). Maaaring i-download ang aplikasyon form mula sa （Kaugnay na Impormasyon&nbsp;) &gt; Pag-apply ayon sa opisina &gt; Kagawaran ng Manggagawa &gt; 24.Mediation Committee o 25.Mediator &gt; Aplikasyon form (sa wikang Chinese o Ingles).(2) Arbitrasyon: Isulat ng aplikante ang pangalan, telepono at address ng parehong amo at ng manggagawa, ang pangyayari at mga bagay na hinihiling. Ipadala sa Kagawaran ng Manggagawa (5F, North East Wing, No. 1 Shi-fu Road, Distrito ng Xinyi, Lungsod ng Taipei 11008). Maaaring i-download ang aplikasyon form mula sa （Kaugnay na Impormasyon) &gt; Pag-apply ayon sa opisina &gt; Kagawaran ng Manggagawa &nbsp;&gt; 24.Mediation Committee o 25.Mediator &gt; Aplikasyon form &gt; Mag-download ng form 3- Magkasundong Pag-apply o 4- Isang Partidong Pag-apply.3. Aplikasyon online: Mediation: Maaaring gawin ang aplikasyon sa Kaugnay na Impormasyon&nbsp; o sa Kaugnay na Impormasyon.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9164780",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=AEE3AC67E5D732A3",
    "title": "Ano ang gagawin kapag hindi tinupad ng amo (o manggagawa) ang naitatag na kasunduan? ",
    "Nilalaman": "1. Kapag hindi tinupad ng amo (o manggagawa) ang naitatag na kasunduan sa hindi pagkakaunawaan ng amo at ng manggagawa, maaaring i-apply sa hukumang may hurisdiksiyon ang pagpasya ng sapilitang pagpapatupad.2. Kapag naitatag ang kasunduan o may arbitrasyon sa hindi pagkakaunawaan ng amo at ng manggagawa, at may obligasyon ang isang partido na magbigay ng bayad sa kabilang partido nang ayon sa nilalaman nito ngunit hindi ipinapatupad ang obligasyong ito, maaaring i-apply sa hukumang may hurisdiksiyon ang pagpasya ng sapilitang pagpapatupad at pansamantalang hindi pagbayad ng mga babayarin sa hukuman. Kapag ina-apply ang sapilitang pagpapatupad, maaaring pansamantalang hindi magbigay ng bayad sa pagpapatupad. (Act for Settlement of Labor-Management Disputes Art. 59).",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  },
  {
    "DataSN": "9164769",
    "ArticleType": "0",
    "FileName": "",
    "Link": "",
    "Source": "https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=4C9296329DD06E56&s=F1AC125B12199A49",
    "title": "Kapag may pinsala sa karapatang manggagawa, paano mag-report o magreklamo sa may awtoridad?",
    "Nilalaman": "Itinatakda ayon sa aktuwal na lugar kung saan ibinibigay ang serbisyo ng manggagawa. Kapag nasa Lungsod ng Taipei ang lugar ng trabaho ng manggagawa, maaaring direktang mag-report ang manggagawa sa grupong nag-iimbestiga sa labor conditions sa Kagawaran ng Labor (6F, No. 101 Bangka Blvd., Distrito ng Wanhua, Lungsod ng Taipei), o sa website ng Kagawaran: Kaugnay na Impormasyon&nbsp;，hanapin ang 1999 sistemang reklamo sa Lungsod ng Taipei, o tumawag sa telepono: 23026355. Pagkatapos matanggap ang reklamo, magpapadala ng taong gagawa ng labor inspection nang ayon sa alituntunin.",
    "Kaugnay na Files": [],
    "相關連結": [],
    "相關圖片": [],
    "相關影音": [],
    "Publish Department": "Department of Civil Affairs,Taipei City Government"
  }
]
