Sa 1924 nagsimula ang parada sa Pista ng Pasasalamat na isinasagawa ng Macy’s, isang kilalang department store sa Amerika. Kilala itong pagdiriwang sa Amerika. Ginaganap ang isang malakihang parada na may temang Pasko. Kasama sa parada ang mga karosang napupuno ng bulaklak, may bandang nagtutugtog at may mga hayop mula sa zoo ang umiikot sa mga lugar na tumaas ang katanyagan dulot ng Macy’s. May 100 taon nang kasaysayan ang parada ng Macy’s department store sa Pista ng Pasasalamat, isang aktibidad na kumakatawan sa pistang ito sa Amerika. Sa Araw ng Pista ng Pasasalamat, nagtitipon at nagsasalo ang buong pamilya, at nagbabahagi ng pasasalamat sa pamilya, kaibigan, kalusugan, yaman at iba pa. Pinakamahalaga rin ang tradisyonal na salu-salo tuwing Pista ng Pasasalamat. Pinakamadalas na pangunahing handa ang pabo kaya tinatawag rin itong “Pista ng Pabo”. Inilalagay ang bread fillings, gulay at magkakaibang pampalasa ang loob ng pabo at iniihaw na may timplang pampalasa, mantikilya at iba pa hanggang mamula-mula ang balat ng pabo. Bukod sa inihaw na pabo, hindi rin maaaring mawala ang cranberry sauce at kalabasa pie tuwing Pista ng Pasasalamat.
Nagsimula ang Pista ng Pasasalamat mula noong Nobyembre 1620. Isang grupo ng mga Puritans mula sa England ang sumakay sa Mayflower at dumaong sa bayan ng Plymouth (nasa Massachusetts ngayon) sa Amerika. Hindi pa nade-develop ang lupang ito, walang pagkain at taglamig pa naman noon. Madaming mga residente ang namamatay sa lamig at gutom. Mabuti na lamang at ibinahagi ng mga Indians sa lugar na iyon ang mga teknik sa pangangaso at pagsasaka upang hindi magutom at malamigan ang mga imigrante rito. Bilang pasasalamat sa tulong ng mga Indians at sa mga biyayang pagkain ng Diyos, inihanda ng mga imigrante mula sa mga bansa sa kanluran ang kanilang mga alagang pabo at tanim na kalabasa at mais. Inimbitahan nila ang mga Indians sa kanilang mga tahanan at tatlong araw nilang ipinagdiriwang ang Pista ng Pasasalamat. Simula 1941, itinakda ng Amerika ang Pista ng Pasasalamat sa ikaapat na Huwebes sa buwan ng Nobyembre bawat taon, may pahinga nang isang linggo at inaakalang simula na rin ng panahong pamimili para sa Araw ng Pasko.

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
