Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

6/2025 Espanya Alarde de San Marcial(Alarde de San Marcial)

/001/Upload/483/relpic/65581/9416862/77f0e526-db5b-49bd-bd4f-3281a114b094.jpg    Ang Alarde de San Marcial ay isa sa mga tradisyonal na pistang kumakatawan sa Irún, Espanya. Nasa may pagitan ng Espanya at Pransya ang Irún. Ginaganap ang parada (Alarde de San Marcial) tuwing Hunyo 30 ng bawat taon bilang pag-alala sa nangyaring Batalla de San Marcial sa taon 1522. Digmaan ito sa pagitan ng militar ng Pransya at Espanya. Sa huli, nanalo at nagtagumpay ang Espanya.


    Nagpaparada ang mga kalahok na may suot na puting damit, itim na jacket, pulang sombrero, may hawak na instrumento, baril o sandata sa kamay. Napupuno ng saya ang buong bayan. Suot ng mga lokal mamamayan ang kanilang tradisyonal na kasuotan at sumasali sa pagdiriwang na napupuno ng kasaysayan at damdamin. Huwag kaligtaan itong kakaibang pagdiriwang kapag pumunta ka sa Irún tuwing katapusan ng buwan ng Hunyo!