Kanino magsasabi kapag nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran ang pag-aalaga ng hayop (tulad ng aso at pusa)?
1. Kapag nasa loob ng komunidad na may namamahalang committee ang nag-aalaga ng hayop na nagdudulot ng polusyon, dapat magsabi sa namamahalang committee na siyang magpipigil sa nag-aalaga nang ayon sa napagkasunduang regulasyon ng gusali. Kapag hindi epektibo ang pagpigil ng committee, maaaring magsabi sa Building Administration Office sa Lungsod ng Taipei. 2.Kapag ipinasyal ang aso at hindi nilinis agad ang dumi ng aso sa pampublikong kapaligiran tulad nang sa kalsada, pwedeng i-report sa 1999 o sa Department of Environmental Protection at maaaring parusahan ng multang NT$1,200 hanggang NT$6,000.

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
