Opisina ng Distrito ng Beitou Bunga ng Pag-aaral ng Mahiwagang Bote - Paggawa ng Fruit Jam at Pagbuburo ng Gulay(4-8)
Upang malinang ang iba’t ibang hilig ng mga bagong imigrante at pagmamahal sa lupain, isinagawa ng Opisina ng Distrito ng Beitou ang “Pag-aaral sa Paggawa ng Fruit Jam at Pagbuburo ng Gulay” sa Marso 26 at Marso 31. Inimbitahang sumali ang pamilya ng mga bagong imigrante mula sa Japan, Myanmar, Indonesia, Argentina, Hongkong, Macau at Tsina. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa pagkain at agrikultura, isinulong ang palitan ng kultura at lumalim ang koneksyon sa mga lokal na pagkain. Sa isinagawang pag-aaral, nakilala ang katangian ng kapaligiran ng lugar na Chaoshan, pagtatanim ng dalanghitang Chaoshan, pagsasaka at pag-aani. Sa paggawa ng jam at burong gulay, isinama ng mga bagong imigrante ang style ng sarili nilang bansa, gumawa ng timplang kakaiba hindi lamang para sa panlasa ng dila kundi para lalong mapalapit ang damdamin sa lupa ng Beitou.
2026-04-28







![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
