Nagsimula na ang Rehistrasyon para sa 2026 “Kumain ng Masustansya - Buhay Masaya’t Hindi Tumatanda: Support Group sa Kalusugan ng Bagong Imigrante”(6-8)
Isinasagawa ng Eden Social Welfare Foundation ang “Kumain ng Masustansya - Buhay Masaya’t Hindi Tumatanda: Support Group sa Kalusugan ng Bagong Imigrante” sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, 2026. Ang paksa sa pag-aaral ay ang kalusugan at pangangalaga sa katawan sa panahong menopause at sa empty nest period (lumaki na ang mga anak at magulang na lamang ang naiiwan sa kanilang tirahan). Kasama rin sa pag-aaral ang paggalugad sa sarili, positibong pamamahala ng emosyon, malusog na pagkain, acupressure sa Chinese medisina at paghahanda ng masustansyang pagkain upang tulungan ang bagong imigrante sa pagkilala ng mga pagbabago sa kanyang katawan at isip, matuto ng pangkaraniwang pangangalaga sa kalusugan at wastong kaalaman sa sustansya. Petsa ng Aktibidad: Hulyo 24 – Setyembre 18, 2026, bawat araw ng Biyernes 13:30-16:30, may 8 session (walang pasok sa Agosto 28) Lugar: Taipei City Zhongzheng Women Support and Empowerment Center (4F, No. 207 Yanping S. Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei) Sino ang maaaring sumali: Bagong imigranteng may 40 taon gulang o higit pa, maunang tanggapin ang mga mamamayang nakatira sa Lungsod ng Taipei at ilagay sa waiting list ang mga mula sa ibang lugar. Tatanggap ng 15 kalahok. Link sa rehistrasyon: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdyrHWPzaD11HaLBkXKDnzy4aBoUsgVpAmiscUKi6rBHM1-BQ/viewform Kapag may anumang tanong sa pag-aaral, maaaring tumawag sa 02-2230-0339, Social Worker Zhang o Social Worker Lei.
2026-06-16

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
