Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

“Magtanim ng Bagong Pambansang Lakas, Imigrante sa Bagong Bansa” Aktibidad sa Araw ng Migrante (11-3)

Isasagawa ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya ang aktibidad “Magtanim ng Bagong Pambansang Lakas, Imigrante sa Bagong Bansa” sa Araw ng Migrante sa Disyembre 10 (Sabado). Pinagsama sa aktibidad ang tatlong elemento sa kultura – bagong imigrante, Hakka at militaryang nayon at gaganapin ang “Bagong Bayan – 111 Araw ng Migrante Eksibisyon ng mga Gawaing Sining” at “Taiwan Bagong Daigdig – 111 Eksibisyon ng Potograpiya sa Araw ng Migrante”. 


Online Rehistrasyon ng mga Gawain

Walang limitasyon sa uri ng gawain, tulad ng guhit na larawan, gawaing-kamay, tagpi-tagping tela, mga litrato sa potograpiya at walang limitasyon sa pagkilanlan ng may gawa.


Ang mga napiling gawain (bukod sa mga litrato sa potograpiya) ay itatanghal sa lugar at araw ng aktibidad. Ang mga gawain sa potograpiya ay itatanghal sa paraang digital online. Magkakamit ng munting regalo ang mga napiling gawain. 

Inaanyayahang magparehistro ng gawain bago Nobyembre 17 (Huwebes).


Kung may tanong, maaaring tumawag sa Taipei City Service Station Special Adviser Zhang Mai-Wen (02)23889393 ext. 3217

o tingnan sa website https://servicestation.immigration.gov.tw/1469/1518/3892/3932/324725/cp_news


Petsa ng Pagpapahayag

2022-11-16