“Green Transport Service” nagsimula na, agahan ang pagrehistro at magkamit ng premyo! (8-11)
Opisyal na inilunsad ang “Green Transport Service” ng Ministri ng Transportasyon sa Hulyo 1, 2026. Ipinagsasama nito ang TPASS rebates at impormasyon sa pagsakay sa pampublikong transportasyon, dito nakatala ang bilang ng distansyang nilalakbay, pagtatanong sa halaga ng rebate, talaan sa rekord ng pagbabawas sa pagbuga ng carbon at madaling malalaman ng publiko ang bunga ng kanilang green transport. Tapusin ang pagrehistro ng TPASS 2.0 upang magkamit ng mas madami pang rebates! Tapusin ang pagrehistro bago Disyembre 31, 2026 at maaaring umabot hanggang 3% ang rebate sa mga programang madalas gamitin. May $50 rebate sa unang beses ng pagbili ng TPASS tiket. Matapos magrehistro, may pagkakataong makilahok sa pagbigay ng gantimpala sa maagang pagrehistro at pagbabawas ng carbon footprint at marami pang iba. Gumamit ng pampublikong transportasyon, magtipid ng pera at bawasan ang pagbuga ng carbon! Green Transport Service: https://tpass.gov.tw/
2026-08-24
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
