Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2025 Pagluluto ng Western Pastry para sa Bagong Imigrante (5-10)

Upang tulungan ang bagong imigrante na linangin ang sariling interes, gabayan ang bagong imigrante na matuto ng isang kasanayan, paunlarin ang buhay at patibayin ang kakayahang maghanapbuhay, isasagawa ng Opisina ng Distrito ng Wanhua sa Lungsod ng Taipei ang Pag-aaral sa Pagluluto ng Western Pastry para sa Bagong Imigrante mula Hunyo 3, 2025 hanggang Hunyo 26, 2025 (bawat Martes, Miyerkoles, Huwebes) 13:30-16:30 sa Cooking Classroom sa Wanhua Community College (No. 46 Nan-ning Road, Distrito ng Wanhua, Lungsod ng Taipei). Ituturo ang paggawa ng marshmallow biscuit, dorayaki, doughnut, French lemon tart at iba pa. Inaanyayahan ang bagong imigrante na magrehistro at sumali (magsisimula Mayo 19, 2025 hanggang mapuno ang bilang ng kalahok).


Rehistrasyon sa website:  https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/

Kwalipikasyon: Bagong imigranteng nakarehistro ang kasal sa mamamayan ng Lungsod ng Taipei, naririto na sa Taiwan, nakatira bilang dependent o mayroon nang permanenteng residensya (May prayoridad ang mga bagong dating sa Taiwan sa nakalipas na 3 taon o hindi pa nakakasali sa pag-aaral. Tatanggaping sumali ang bagong imigrante mula sa ibang lugar kapag may naiwan na slot.)

Para sa mga detalye, sumangguni sa website ng Opisina ng Distrito ng Wanhua o tumawag sa (02)2306-4468 ext. 204, Mr. Lu.


Petsa ng Pagpapahayag

2025-05-19