Guandu International Nature Art Festival aktibidad hanggang 12/31 (11-2)
May malalim na kahalagahan sa pangangalaga sa ekolohiya ang Guandu Marshlands at higit na may mayamang kultura sa bukanan ng ilog at gumaganap ng mahalagang papel sa pag-uugnayan ng kalunsuran at kalikasan. Simula 2006, isinasagawa ng Guandu Nature Park ang “Guandu International Nature Art Festival”sa simulain na konserbasyon at lumikha ng espasyong komunikasyon sa tao at sining, kalikasan. Taun-taon, iniimbita ang tagasining na gumamit ng mga natural na materyales sa paglikha ng gawang magpapakita ng artistikong ganda, magsasaad ng pag-aalala sa kapaligiran, at talakayin ang iba’t ibang isyung pagkawala ng balanse at pagpapanatili sa kalikasang kapaligiran at mga aktibidad ng tao. Ipagpatuloy at muling pag-isipan at bigyan ng kahulugan ang relasyon sa pagitan ng tao at ng likas na ekolohiya, “Kalikasan, Isang Regalo”ang tema ng pistang sining ngayong 2023. Mula sa mahalagang punlang dala ng berdeng lupain sa Guandu, sa paraang konsepto ng “regalo”, manguna sa publikong madarama ang inspirasyon at suwerteng handog ng kalikasan sa ating lahat. May 132 artist na nagbigay ng gawang isasali sa eksibisyon ngayong taon at sa huli, napili sina Shilpa Joglekar, Onongua Enkhtur at Chen Keh-Ding, mga artist mula India, Mongolia at Taiwan. Inanyayahan rin ang Japanese artist Chu Yao Keng Ping na dalubhasa sa likhang gawa sa kahoy, bagong tagapaglikha sa Taiwan media art Chang Yen Tzu, at ang grupo ng mga artist mula sa Wistron Foundation, ilahad ang mga regalo ng kalikasan sa pamamagitan ng masining na likha, at magkakasamang magdala ng pista ng sining sa Guandu. Nararapat rin na banggitin na ipagpapatuloy ng Wistron Foundation ang pag-ampon sa pangangalaga ng ekolohiya sa Yueh Chi at protektahan ang PiTang marshlands. Bukod sa pinalawak ang lugar ng pangangalaga, ang mga empleyado ay kusang nag-apply bilang boluntaryo sa Guandu International Nature Art Fest, mula sa inspeksyon sa kapaligiran, natapos ng bawat isa ang iisa at kakaibang gawain, hindi magkakatulad sa isa’t isa. Sa panahon ng eksibisyon, mayroon rin mga pag-aaral sa gawang-kamay, aktibidad para sa mag-anak, tiangge, pangongolekta ng tatak. Bukod sa manood ng eksibisyon, ma-enjoy ng publiko sa magaan na simoy ng hangin sa Guandu, ang iba’t ibang “regalo”na ipinaghahandog ng kalikasan. Guandu International Art Festival ◈ 9/12~12/31 ◈ Lugar: Guandu Nature Park Environmental Friendly Tiangge para sa Mag-anak ◈ 11/4 (Sabado) 09:00~16:00 ◈ Lugar: Guandu Nature Park Mula sa Kagawaran ng Turismo at Impormasyon sa Lungsod ng Taipei
2023-11-06