Opisina ng Distrito ng Nangang, Nagsimula na ang Rehistrasyon sa Pangangalaga sa Katawan at Kalusugan para sa mga Bagong Imigrante(3-5)
Madalas ka bang makaranas ng sakit sa iba’t ibang lugar sa katawan? Halina’t mag-aral ng pangangalaga sa meridians o channel network sa Chinese medisina. Pinakamahalaga sa panahon ngayon ang pangangalaga sa sariling kalusugan. Sa pamamagitan ng mga simpleng paraan sa paghilot at masahe, makakatulong sa pagbigay-ginhawa sa sakit ng katawan, isulong ang kalusugan ng isip at katawan, hanggang matamo ang layuning pagpapalakas at pangangalaga ng sariling buhay. Tatanggap ng 25 taong mag-aaral. Malugod na inaanyayahang magrehistro ang mga bagong imigrante ~ 🕛Petsa: Abril 8 – Hulyo 15, bawat Miyerkoles 9:30-11:30 🏠Lugar: Opisina ng Distrito ng Nangang sa Lungsod ng Taipei 10F Assembly Hall o 6F Meeting Room (10F o 6F, No. 360, Sec. 1, Nangang Road, Distrito ng Nangang, Lungsod ng Taipei) Link sa Rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/Home/Register/1414 Para sa anumang tanong, tumawag kay Miss Wu sa 02-27831343 ext. 852.
2026-03-13

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
