2025 Pagsasanay ng mga Tagapag-alaga sa Grupong Sibiko sa Lungsod ng Taipei (5-16)
Nagsimula na ang rehistrasyon para sa eksklusibong klase ng bagong imigrante sa ika-22 Pagsasanay ng mga Tagapag-alaga sa Grupong Sibiko sa Lungsod ng Taipei sa taon 2025! Inaanyayahang magrehistro at sumali ang mga bagong imigranteng may nais na maging tauhang tagapag-alaga! Kwalipikasyon: Bagong imigrante o mamamayang may edad na 16 taon gulang at higit pa, interesado sa serbisyong pangangalaga, nais sumali sa pagsasanay bilang tauhang tagapag-alaga (may prayoridad ang bagong imigrante) Petsa ng Pag-aaral: 1. Lektura, pagsasanay at pagsusuri (60 oras): Hulyo 5 – Agosto 3, 2025, Sabado at Linggo 09:20~16:30 2. Internship (30 oras): Setyembre 1-16 (Lunes-Biyernes) 08:30~17:30; paghahatiin sa magkakaibang grupo sa internship, 4 araw sa bawat grupo. Nilalaman ng Pag-aaral: 1. Lektura: 50 oras 2. Pagsasanay: 8 oras 3. Talakayan at Pagsusuri: 2 oras 4. Internship: 30 oras ※ Pagkatapos ng klase, magtatamo ang kalahok ng “Sertipiko ng Pagtatapos sa Pagsasanay bilang Tauhang Tagapag-alaga” mula sa namamahalang ahensya. Bayad sa Pagsasanay: $6000 Paraan ng Pagrehistro: 1. Magrehistro muna online at i-download ang “Paliwanag sa Pagrehistro”. 2. Ipadala o dalhin sa Sentro (5F, No. 690, Jingping Road, Distrito ng Zhonghe, Lungsod ng New Taipei) ang rehistrasyon form sa loob ng “Paliwanag sa Pagrehistro” at mga kaugnay na dokumento bago mag-17:00 sa Mayo 29 (Huwebes). 3. Ang sumali sa orientation sa 09:30~12:00, Hunyo 7 (Linggo), pumasa sa pagsusuri at interview, ay maaaring sumali sa internship. Link sa online rehistrasyon: https://forms.gle/bFgQm5d3NREgGspj9 Link sa pag-download ng paliwanag: https://pse.is/7gqhbt Teleponong hotline: 02-2230-0339, Social Worker Kong
2025-05-20