Ini-extend ang Papremyo sa mga Mamamayan sa Lungsod ng Taipei na Nagpapabakuna sa Influenza at COVID-19! (11-3)
Sa deadline na 2025/10/28, may mahigit sa 50% ang nagpaturok ng libreng bakuna sa Lungsod ng Taipei ngunit mababa pa rin ang rate ng nagpabakuna sa mga may edad na mahigit 65, mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan at mga medikal na tauhan. Upang madagdagan ang nais ng publikong magpabakuna, ini-extend ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei ang papremyong aktibidad hanggang 2025/11/30 at dinagdagan din ang pangatlong beses ng pagbibigay ng premyo! Ilalagay ang listahan ng pangalan ng mga nanalo sa pangatlong papremyo bago 2025/12/10 sa opisyal website ng Kagawaran ng Kalusugan. Sino ang maaaring sumali: Mamamayang angkop sa bakuna at nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei Kwalipikasyon sa papremyo: Naaangkop ang sinumang magpaturok sa libreng bakuna sa influenza o COVID-19 sa mga nakakontratang ospital sa Lungsod ng Taipei sa panahon ng aktibidad. Para sa kaugnay na impormasyon sa libreng bakuna sa influenza at COVID-19, sumangguni sa https://health.gov.taipei/Content_List.aspx?n=093AD654051539B8
2025-11-10

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
