Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Vocational Development Institute sa Lungsod ng Taipei at Kagawaran ng Sibil Gawain 7/12-10/29 magsasagawa ng “Pagsisilbi bilang Tagapag-alaga ng Ina pagkatapos magsilang ng sanggol at Pag-aalaga sa Bata – Kurso para sa Bagong Imigrante” (4-12)

Inaanyayahang sumali at magparehistro ang mga interesadong bagong imigrante! Pag-aralan ang pangangalaga sa mga sanggol at pangangalaga sa bagong panganak na ina. Pagkatapos ng pag-aaral, magbibigay ng tulong upang makakuha ng sertipikasyon at lisensya.

Petsa ng Pag-aaral: 2021/7/12-8/30、 9/17、9/29、10/1-10/29,tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes, 09:10-16:10
Lugar: Vocational Development Institute sa Lungsod ng Taipei (No. 301 Shitong Road, Distrito ng Shilin, Lungsod ng Taipei)
Kwalipikasyon: Mga bagong imigranteng nakarehistro (o may tirahan na nakasulat sa Alien Resident Certificate) sa Lungsod ng Taipei, may 20 taon gulang, at may prayoridad ang may basic kakayahan sa wikang Tsino para sa eksamen. May karapatan ang tagapagsagawa na baguhin ang kwalipikasyon at kondisyon sa pagsali sa aktibidad.
Bilang ng tao sa pag-aaral: 25
Rehistrasyon sa online: https://reurl.cc/2b9q0v
Rehistrasyon mula ngayon hanggang 2021/6/11 (Biyernes) 5:00 hapon
Anunsyo sa pangalan ng nakuhang mag-aaral: 2021/6/18 (Biyernes)

* Mga Paalala: 
1. Rehistrasyon sa online (Magdala ng isang 1” litrato at orihinal na ID o ARC sa unang araw ng pag-aaral); Kapag humigit sa 25 katao ang nagparehistro, gagawa ng bunutan upang magpasya sa taong makakasali sa pag-aaral.
2. Pagkatapos ng pag-aaral, magbibigay-gabay sa pagsali sa eksamen sa kakayahan bilang taong tagapag-alaga (isang level lamang). Ang pangatlong beses ng pagsusuri sa taong 2021 ay gaganapin sa Nobyembre at kailangan bayaran nang sarili ang pambayad sa eksamen.
3. Hindi magbibigay ng pagkain sa tanghalian sa panahon ng training.

Petsa ng Pagpapahayag

2021-04-30