Paanyayang sumali sa 3 libreng LOHAS lektura sa Family Education Center sa Lungsod ng Taipei (10-2)
Isinasagawa ng Family Education Center sa Lungsod ng Taipei ang libreng lektura sa edukasyong pampamilya mula Oktubre hanggang Disyembre 2026. Sakop sa paksa ang kalusugan at ehersisyo, edukasyong pangangalaga at pagsasanay ng emosyon sa pamilya. Malugod na paanyayang magrehistro! I. Impormasyon sa Aktibidad: (1) Oktubre 17 (Sabado) 《i Galaw》Kalusugan at Ehersisyo sa Masayang Pamilya Gamit ang bolang pang-yoga, gumawa ng pag-uunat sa buong katawan at pagpapalakas ng kalamnan. Paanyayang sumali kasama ang nakatatanda sa pamilya! Magrehistro muna at sumali sa aktibidad, magkamit ng isang bolang pang-yoga. Lugar: Family Education Center sa Lungsod ng Taipei (6F, No. 17, Sec. 1, Renai Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei) (2) Nobyembre 21 (Sabado) 【Mini Forum】Mga Bagay na Hindi Masagot ng AI: Paano kapag may Problemang Bata/Kabataan sa Pamilya Pagtalakay sa mga Problema sa Mag-anak sa Panahong Digital, kasama ang SEL (Social and Emotional Learning), pagbahagi sa pagtugon ng mga magulang sa paghahamon sa pagtuturo at pangangalaga, kasama ang anak na lumaking masaya at malusog. Lugar: Mandarin Daily News (3) Disyembre 19 (Sabado) 《Color Palette ng Isip》Gumamit ng SEL sa paggabay sa anak, gumawa ng pagkukulay Isama ang SEL at gawang pagkukulay, matutong mag-ayos ng damdamin sa interaksyon sa mag-anak at gumawa ng makulay na bookmark. Gagawa ng video sa buong aralin, ihinihikayat na sumali ang mga adults. Lugar: Family Education Center sa Lungsod ng Taipei (6F, No. 17, Sec. 1, Renai Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei) II. Oras ng Aktibidad: 10:00-12:00 ang bawat lektura III. Link sa Rehistrasyon: Limitado ang bilang ng kalahok. https://family.gov.taipei/News_Content.aspx?n=EE3C1A1506D62006&sms=A3B83C50BA3D87CB&s=D73E82264A663EC2 IV. Telepono: 02-2541-9690 ext.612
2026-10-13
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
