Handbook ng mga Alituntunin sa Kaligtasan para sa Mamamayan ng Taiwan 《Sa Panahon na may Panganib: Alituntunin sa Kaligtasan para sa Mamamayan ng Taiwan》(10-18)
Upang mapatibay ang kaalaman ng mga mamamayan sa pag-iwas sa sakuna at paglilisan, isinulong ng Ministri ng Nasyonal Depensa ang 《Alituntunin sa Kaligtasan para sa Mamamayan ng Taiwan》 Hindi tumitigil ang mga pagsusubok na ating nakakaharap – maging kalamidad, epidemya, malalang panahon, pagbabanta mula sa Tsina, sinusubok ng lahat nang ito ang kakayahan nating umangkop. Sa henerasyong napupuno ng maraming pagbabago, ang pag-aaral ng mga kasanayan at kaalaman sa pag-iwas sa sakuna ay hindi lamang para sa proteksyon ng sarili. Isa rin itong mahalagang hakbang para maprotektahan ang mga nasa paligid mo. Bilang bahagi ng Taiwan, magsama tayong kumilos para sa lupaing ito. Ano ang pwede mong gawin? 1. Maghanda ng mga gamit: Ihanda ang emergency evacuation bag at reserbang gamit sa pangkaarawang buhay. 2. Kaalaman sa pagligtas sa sarili: May iba’t ibang pagtugon sa magkakaibang uri ng kalamidad (bagyo, lindol, tsunami, pagguho ng lupa at iba pa); magkakaibang paraan sa iba’t ibang uring sugat (nasunog o napaso, malakas na pagdugo, paglilipat sa mga nasugatan at iba pa); mag-iingat sa mga pekeng impormasyon; maging handa sa pag-iisip para sa iyong sarili at sa iyong pamilya. Nasa https://prepare.mnd.gov.tw/ ang lahat ng nilalaman at may offline version na PDF https://adma.mnd.gov.tw/files/web/191/file_up/100004/65/%E7%95%B6%E5%8D%B1%E6%A9%9F%E4%BE%86%E8%87%A8%E6%99%82%EF%BC%9A%E8%87%BA%E7%81%A3%E5%85%A8%E6%B0%91%E5%AE%89%E5%85%A8%E6%8C%87%E5%BC%95.pdf Maaari itong basahin at tingnan ng lahat ~
2025-10-27

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
