Paanyayang Dumalo sa “Pag-ibig na Walang Hangganan – Tanggapin ang Magkakaibang Kultura‧Masayang Pamilya 2025 Kulturang Tiangge ng Bagong Imigrante” (10-11)
Isinasagawa ng Eden Welfare Foundation ang “Pag-ibig na Walang Hangganan – Tanggapin ang Magkakaibang Kultura‧Masayang Pamilya 2025 Kulturang Tiangge ng Bagong Imigrante”. Iniimbitahan ka sa isang tianggeng napupuno ng kuwento at kultura. “Isang Puwesto Isang Kuwento, Isang Bibig Isang Daigdig, Pinakamasayang Party sa Taglamig, Naghihintay na Makasama Ka” Mga kaibigang imigrante mula sa magkakaibang lugar sa mundo, nagbabahagi ng kanilang kultura sa pamamagitan ng pagkain ng kanilang bansa, tradisyonal na gawang pangsining, mga bagay-bagay na gawa sa kamay at iba’t ibang palamuti. Gamitin natin ang ating panlasa, puso at isip sa pagranas ng giliw ng magkakaibang mundo! Kapag may kaugnay na tanong sa aktibidad, tumawag sa New Immigrant Families Center, Social Worker Zhang, (02)2230-0339. Petsa ng Aktibidad: Disyembre 13, 2025 (Sabado) 12:30-16:00 Lugar ng Aktibidad: National Taiwan Library (Li-Hsueh Plaza), No. 85 Zhong-An St., Distrito ng Zhonghe, Lungsod ng New Taipei (malapit sa MRT Yong-an Market Station)
2025-10-15

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
