Hotline ng Serbisyong Pagtatanong para sa Tagadayuhang Namumuhay sa Taiwan 1990 (5-9)
Upang matulungan ang bagong imigrante sa Taiwan sa anumang suliranin sa pangangailangan sa buhay, pagsasanay sa buhay at paggabay sa pangangalaga, itinatag ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior, ang “Hotline ng Serbisyong Pagtatanong para sa Tagadayuhang Namumuhay sa Taiwan 1990”. Para sa anumang nais itanong ukol sa visa, residensya, pag-alis at pagdating sa bansa, trabaho, buwis, health insurance, transportasyon, mga panlipunang kapakanan, edukasyon ng mga anak, paggagamot at kalusugan, pansariling kaligtasan at iba pa, maaaring tumawag sa 1990 upang makakuha ng libreng tulong mula sa taong nakakaalam. May 7 uring wika ang 1990 hotline: Chinese, Ingles, Hapon, Vietnam, Indonesia, Thailand at Cambodia. Libre at walang bayad ang pagtatanong sa hotline. Oras ng Hotline ng Libreng Serbisyong Pagtatanong: Chinese, Ingles, Hapon: 24 oras walang pahinga sa buong taon Vietnam, Indonesia, Thailand at Cambodia: Lunes hanggang Biyernes 09:00~17:00 (Wala tuwing pambansang pistang opisyal at iba pang araw ng pahinga) Inaanyayahan ang mga bagong imigranteng may pangangailangan, gamitin ang hotline upang malutas ang suliranin sa buhay, malaki man o maliit na tanong. Link sa website ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Interior: https://www.immigration.gov.tw/5385/7445/7451/7457/7484/371259/cp_news
2025-05-19