Eden Social Welfare Foundation “2026 Pag-aaral ng Pagiging Magulang sa mga Bagong Imigrante”. Nagsimula na ang rehistrasyon, malugod na paanyayang makilahok!(10-7)
Isinasagawa ng Eden Social Welfare Foundation ang “2026 Pag-aaral ng Pagiging Magulang sa mga Bagong Imigrante” na may mga paksang komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak, paraan ng pagiging magulang at pangangalaga sa sarili upang matulungan ang bagong imigranteng magulang sa interaksyon at kakayahan sa pagiging magulang, at matutunan din ang pangangalaga sa pangangailangan ng sariling isip at katawan. Inaanyayahang makilahok ang mga umaangkop sa kwalipikasyon. 1. Petsa ng Pag-aaral: Nobyembre 7 at Nobyembre 14, 2026 (Sabado), 09:30 – 16:30, dalawang beses. 2. Lugar: New Taipei City Women Service Center Multi-Function Room (3F, No. 111 Quyun Road, Distrito ng Banqiao, Lungsod ng New Taipei) 3. Sino ang maaaring sumali: Nakatira sa Lungsod ng Taipei o New Taipei, may nasyonalidad mula Timog Silangang Asya o Tsina, may anak na may edad 3 – 15 taon gulang. May 12 katao lamang ang maaaring sumali. 4. Gastusin: Libre at walang bayad, magbibigay ng pagkain sa tanghali at may serbisyong pangangalaga sa mga anak. 5. Link sa Rehistrasyon: https://forms.gle/EHAwpipWVwqyPsr78 6. Telepono: 02-2230-0339, Social Worker Zhang
2026-10-22
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
