Seryales sa Podcast Iniimbitahan Kang Makinig sa Kuwento ng Buhay ng Bagong Imigrante (9-2)
Ang “Mga Bagong Punto sa Hilagang Taiwan: 16 na Paraan para Mahalin ang Lugar na Ito”, isang magkakasamang pagsusulong sa Hilagang Taiwan na nag-uugnay sa Yilan, Keelung, Taipei, New Taipei, Taoyuan, Hsinchu at Miaoli, inimbitahan ang mga bagong imigrante mula sa iba’t ibang kulturang background, magbahagi ng 16 na totoong kuwento sa buhay. Nakatuon ang programa sa mga bagong imigrante, pinagsasama ang lokal na kultura at palitan ng iba't ibang kultura upang dalhin ang tagapakinig sa isang paglalakbay sa mga kultural na tanawin sa iba’t ibang lugar sa hilagang Taiwan, at muling unawain ang magkakaibang kultura na nagdala ng sigla at pagbabago sa lungsod. May 10 minuto ang bawat programa at sinasamahan kang makilala ang hilagang Taiwan, makilala ang magkakaibang kultura at makilala rin ang mga taong nagsumikap mabuhay sa lupaing ito at malakas ang loob na bumuo ng pangarap. Sa pamamagitan ng kanilang kuwento, hindi lamang maipakilala ang kultura, kundi mas lalong maunawaan at maramdaman. Sumusunod ang mga link sa pakikinig ng seryales ng Podcast: 1. Firstory: https://cmqyn99t403gs01zp8j0261h9.firstory.io/ 2. Spotify: https://open.spotify.com/show/7wKd3EmhzQKbmW6p0fNCgO 3. Pocket Casts: 4. KKBOX:
2026-09-15
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
