Labanan ang Scam Taipei Team Enero 2026 (1-3)
1. May 1,524 kaso sa iba’t ibang uring panloloko ang natanggap sa Lungsod ng Taipei sa Disyembre 2025, napinsalang halaga sa NT$859,054,000. Ang unang tatlong uri ng panloloko at halagang napinsala: (a) Pagbili ng gamit sa online: 461 kaso; halagang napinsala: NT$37,157,000 (b) Kunwaring pag-invest o pamumuhunan: 180 kaso; halagang napinsala: NT$444,218,000 (c) Kunwaring pakikipagkaibigan (pamumuhunan at panloloko ng salapi): 119 kaso; halagang napinsala: NT$131,748,000 2. Natuklasan kamakailan na madalas gumamit ang mga sindikatong nanloloko ng paraang “pagbili ng gamit sa online” o “3 partidong panloloko”, nililinlang ang tao na magpadala o mag-transfer ng salapi hanggang maaaring malagay sa watch list ang account. Basta kung minamadali kang magpadala o mag-transfer ng salapi, hinihingi ang account number sa bangko o impormasyon sa pagtanggap ng salapi, dapat maging alerto at iwasan na masangkot sa gawain ng mga nanloloko. Dapat mag-ingat kapag bibili ng gamit sa online: Kadalasang may pandaraya sa mga discount at mababang presyo, siguraduhin ang account name bago magpadala ng pera. Kapag lumitaw ang “Hindi pareho ang account name sa tagapagtanggap ng pera” o sa kalagayang ililipat sa pangatlong partido, maaaring may daya. Mag-ingat at suriin nang mabuti upang hindi mailagay ang sarili sa watch list.
2026-01-11


![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
