Nagsimula na ang Rehistrasyon para sa Songshan “Kursong Pagpapalago ng Kaalaman at Malikhaing Gawain para sa Bagong Imigrante”(5-4)
Isinasagawa itong kursong pag-aaral upang tulungan ang bagong imigrante sa pagsulong at pagkilala ng pangkabuhayang kapaligiran sa Taiwan at madaliang pagbuklod sa lipunan. Sakop sa pag-aaral ang mga pangunahing karapatan, pagpapalaganap ng impormasyon sa kalusugan, kaalaman sa pag-iwas sa sakuna, proteksyon ng mamimili, pansariling kaligtasan, pag-iwas sa sekswal na panliligalig, pag-iwas sa pagpapakamatay at iba pa. Isinabay rin dito ang pag-aaral ng likhaing gawain sa pagnanasang may matutunang bagong kaalaman ang bagong imigrante, gumaan din ang loob at katawan ng mag-aaral sa paraang paggawa ng gawaing-kamay. Para sa iba pang impormasyon ukol sa aralin, sumangguni sa flyer sa rehistrasyon ~ Lugar ng Pag-aaral: 11F Assembly Hall ng Opisina ng Distrito ng Songshan (11F, No. 692, Sec. 4, Bade Road, Distrito ng Songshan, Lungsod ng Taipei) Petsa ng Pag-aaral: Hunyo 23 – Hulyo 23, 2026, bawat Martes at Huwebes 13:30-16:30 hapon Link sa Rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/Home/Register/1422 Panahon ng Pagrehistro: Magsisimulang tumanggap ng rehistrasyon Mayo 13, 9:00 umaga Para sa anumang tanong, maaaring tumawag sa Humanities Section, Miss Chen, 02-87878787 ext. 735
2026-05-15

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
