Opisina ng Distrito ng Beitou – Nagsimula na ang Rehistrasyon sa 2 “Kursong Pag-aaral para sa mga Bagong Imigrante”(2-8)
1. Magagandang Calla Lily sa Spring – Paghahabi at Gawang-Kamay na Sining ng Bulaklak Inimbitahan ang guro sa sining ng bulaklak, may mahigit sa 40 taong karanasan sa pagtuturo at paghahabi ng larawang may bulaklak at upang makipagpalitan sa mga mag-aaral ng paghahabi at kahulugan sa magkakaibang kultura. Matututunan ng mag-aaral ang basic kaalaman sa paghahabi at paggamit ng kulay. Kasabay sa panahon ng pamumulaklak ng calla lily sa Beitou, maghahabi ng lalagyanan ng bulaklak. Ipapakilala ng guro ang madalas na makitang bulaklak sa Beitou, ang mga katangian nito at kung paano ibabagay ang kulay sa hinabing lalagyan, pagsulong ng pag-uunawa sa mga lokal na bulaklak at halaman sa Beitou. Petsa: 3/10(Martes)at 3/13(Biyernes)13:30 – 16:30, may 6 na oras Lugar: Community Care Center para sa Bagong Imigrante sa Bahaging Norte ng Lungsod ng Taipei (1F, No. 12, Lane 177, Chingjiang Road, Distrito ng Beitou, Lungsod ng Taipei) Link sa Rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/Home/Register/1407 2. Mahiwagang Bote – Fruit Jam at Pagbuburo ng Gulay Sa pakikipagtulungan sa mga organic magtatanim sa Distrito ng Beitou na masigasig sa pagbuburo ng gulay, isinasagawa itong pag-aaral sa pagkain, kapaligiran at agrikultura ng lokal na lugar. Mapag-aaralan ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng pag-usbong at mga kahirapan sa agrikultura sa Beitou, ang paghahanda at pagluto ng napapanahong gulay at prutas para malinang ang iba’t ibang hilig ng mga bagong imigrante. Petsa: 3/26 (Huwebes) at 3/31 (Martes) 13:30 – 16:30, may 6 na oras Lugar: Community Care Center para sa Bagong Imigrante sa Distrito ng Beitou sa Lungsod ng Taipei (1F, No. 12, Lane 177, Chingjiang Road, Distrito ng Beitou, Lungsod ng Taipei) Link sa Rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/Home/Register/1408
2026-02-25

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
