Gabay sa Mamamayan sa Pangyayaring Pagsalakay (1-1)
Kapag may biglaang pangyayaring may panganib, Takbo / Tago / Report (RUN / HIDE / TELL) Takbo: Pinakamahalaga ang madaliang umalis at lumayo sa lugar ng kaganapan. Tago: Kapag hindi makalayo, maghanap at magtago sa ligtas na lugar. Manatiling tahimik. Report: Matapos tiyakin ang sariling kaligtasan, mag-report agad sa 110/119 at malinaw na ipahayag ang kinaroroonan at ang kasalukuyang kalagayan. At isa pang paalala, kapag may taong sugatan at dumudugo, may 3 hakbang sa pagtigil ng pagdugo: Hanapin kung saan lumalabas ang dugo → Pisilin sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na tela → Ituloy ang pagdiin at sabay tumawag sa 119 sa pinakamadaling panahon. Hintayin ang propesyonal na pagsagip. Protektahan ang ibang tao, protektahan din ang sarili.
2026-01-07


![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
