尚未定義

臺北市新移民專區網站菲律賓文版

Pinakahuling ulat

Wow! Nagsimula na ang rehistrasyon para sa super propesyonal na “Espesyal na Kursong Pag-aaral ng Paghalo ng mga Inumin”!(9-9)

Nais mo bang matutong maghanda ng inumin, maghiwa’t maglagay ng prutas sa plato, magluto ng kape at iba pang kakayahan? Halina’t magparehistro agad!
Rehistrasyon mula ngayon hanggang Oktubre 18, 2019 (Biyernes) (araw ng pagtanggap ayon sa petsa sa postmark, hindi tatanggapin ang lumampas sa deadline)
Kwalipikasyon:
20 taon gulang o higit pa, may rehistradong kasal sa mamamayang nakarehistro at nakatira sa Lungsod ng Taipei, bagong imigranteng nakakuha ng Taiwan ID o ng ARC, may kaalaman sa basic na wikang Tsino (nakapasa sa pagsusubok sa basic kaalaman ng wika at ng mga karapatan at obligasyon ng mamamayan, nakasali sa pag-aaral na isinagawa ng opisinang nasasailalim ng Pamahalaan o sertipikasyon ng pag-aaral sa pampubliko o pribadong paaralan sa Taiwan).
Pangalan ng mga taong matatanggap ihahayag alas-12 ng tanghali, Oktubre 25, 2019 (Biyernes) sa website ng Eksklusibong Lugar para sa Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei.
Petsa ng Pag-aaral: Nobyembre 7 ~ Disyembre 20, 2019
Oras ng Pag-aaral: bawat Lunes, Huwebes, Biyernes 10:25 umaga -17:05 hapon (maghanda ng sariling tanghalian)
Lugar ng Pag-aaral: Vocational Development Institute sa Lungsod ng Taipei (No. 301 Shitong Road, Distrito ng Shilin, Lungsod ng Taipei)
飲料調製專班