Sentro ng Edukasyong Pangpamilya sa Lungsod ng Taipei Nagsimula na ang Rehistrasyon para sa Ika-3 “Lektura sa LOHAS Tahanan”! (7-6)
Sa buhay ng pamilya mula sa interaksyon ng magulang at anak, digital edukasyon hanggang sa pagpapanatili ng pamumuhay, may relasyon kami sa bawat paksa. Isinasagawa ng Sentro ng Edukasyong Pangpamilya sa Lungsod ng Taipei ang ika-3 “Lektura sa LOHAS Tahanan”. Iniimbitahan ang lahat na muling makilala ang kasal, pamilya, kasarian at paggalang sa pamamagitan ng board games, upang lalong magkaroon ng pag-uunawa at pagsasama sa mga miyembro ng pamilya. Kasama sa lektura ang larong “Buzzer Kids in Town” sa Hulyo 18, “Hindi Lamang Tumutulong si Tatay: Magkasamang Pangangalaga at Edukasyong Pangpamilya sa Henerasyong Digital” sa Agosto 15, at “Muling Pag-aayos sa Aparador x Gawang Kamay para sa Magulang at Anak” sa Setyembre 19. Libre ang pagsali sa aktibidad ngunit may hangganan ang bilang ng taong maaaring sumali. Inaanyayahang sumali ang interesadong mga pamilya, magkatipan at publiko. Telepono: (02)2541-9690 ext. 612 Link sa Rehistrasyon: https://reurl.cc/Z8arvV
2026-07-13

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
